Carmelita
*
*
" Ayeeeh! Chris tingnan mo Ang ganda ko talaga. Oh diba Malaki na boobies ko hehe." Nakangiti na sambit ko habang nakatitig sa malaking salamin sa harapan ko
" Malamang Malaki boobies mo 18 kana Carmelita pero asal bata kapa." Naiiling na tugon ni Chris
" Si Vaughn kaya kumusta na? Tatlong taon na siya hindi umuuwi. Pero tumatawag naman. Sabi nga niya gumawa ako ng social media accounts tapos add ko sya kaso ayaw ko. Gusto ko maging Private ang Life ko. " Nakangiti na wika ko
" Nak! 18 kana gwapo si Vaughn baka pwede mo ako bigyan ng Apo! Nak isang Apo lang pangako ako mag-aalaga." Parang bata na pakiusap ni Chris
Nanlaki ang mga mata ko napaawang ang labi ko dahan-dahan ako napatingin kay Chris
" Chris! Chris siraulo ka! NBSV ako at hindi ko kasintahan si Vaughn hindi rin Asawa! WAAAAAAH huwag mo sabihin na Gusto mo tumabi ako kay Vaughn at magpabuntis?" Hindi makapaniwala na tanong ko
" Yon na nga!" Tugon ni Chris
Nanlaki ang mga mata ko dinampot ko ang Suklay binato ko sa Papa ko
" Arayyyy! Nagbibiro lang naman. Ligawan mo muna bago ka pabuntis. Tapos maglalaho tayo mamuhay tayo sa malayo aalagaan ko arayyyy ang Apo ko." Paliwanag ni Chris Patuloy sa pag-ilag binabato ko siya
" Hindi ko naman Gusto si Vaughn. Siraulo ka kakaiba ka! Ang ibang magulang ayaw pabuntis mga anak nila. Tapos ikaw gusto mo bigyan kita agad ng Apo." Namumula ang mukha ko sa galit
" Hehe! Arayyyy sorry na hindi na. Kaunti lang kasi lahi natin gusto ko dumami." Wika ni Chris hinampas ko siya ng Tsinelas ko sa Ulo
" Tara! Bakasyon ngayon nasa sasakyan ang Bag ko! Pag-aralan natin ang kuta ng Kaibigan ni Lolo. " Nakangiti na wika ko
" Tara! " Tugon ni Chris nakangiti pa
Pagkalipas ng Ilan sandali masaya kami na nakaupo sa loob ng sasakyan habang malakas na kumakanta. Sabay kami ni Chris na kumakanta sumasayaw-sayaw pa kami. Ganito kami kasaya ni Chris sa tuwing magkasama.
" Oy! Chris may cotton candy! Bili moko Dali." Excited na wika ko
Naiiling na huminto si Chris sa harapan ng nagtitinda ng Cotton candy binili nya ako. Pagkatapos nya ako ibinili muli siya nagmaniho sinusubuan ko si Chris ng Cotton candy
" Papa!" Tawag ko
" Kinakabahan ako sayo sa tuwing tinatawag mo akong Papa." Tugon ni Chris nakangiti ng alanganin
" Gusto ko mabisita si Lolo! May paraan ba para makalapit ako sakanya? Matanda na siya kailangan na ng mag-aalaga." Mahinahon na wika ko
" Bumisita ako sakanya ng nakaraang araw. Pinaalis agad ako dahil sa mahigpit daw ang mga Tauhan ng Sindikato na nakabantay sakanya. Inalagaan naman siya ng mabuti dahil sa oras na mamatay si Daddy walang mapapala ang sindikato na may hawak sakanya." tugon ni Chris
" Paano ka nakapasok?" Tanong ko
" Nagpanggap ako delivery Rider." Nakangiti na tugon ni Chris
" Tatlong taon nalang makakapag tapos na ako. " nakangiti na tugon ko
" May sinabi saakin si Daddy! Nasa pangalan mo ang Lahat ng ari-arian ng Angkan natin. Ang nakalagay sa papeles Kailangan makapag tapos ka ng College bago mo makukuha ang kabuohan ng yaman ni Daddy. Pagdating ng pahanon na yon mas mahihirapan tayo. Ipagpatuloy mo ang pagsasanay sa pakikipaglaban." Mahinahon na wika ni Chris
" Hindi madadaan sa pagpapakulong ang pinuno ng Sindikato maliit pa na grupo nila Kaya pa natin ubusin. " wika ko
" Mahirap ipakulong ang mapera nababayaran ang batas. Kaya naman ang sulosyon patayin lahat! Simula sa pinaka ugat hanggang sa kahuli-hulihan na bunga." Seryoso na tugon ni Chris
" Chris! Nakaipon ako may binibinta ba lupa sa katabi ng Hacienda maliit lang na lupa. Nasa kalahating ektarya Probinsya to kaya mura ang lupa kompara sa Manila. Kung makakaya mo lumapit ulit may lolo hingi ka ng 300k 30k palang ipon ko bumili pa tayo ng second hand na sasakyan e. Tamang-tama ang lupa na yon may ilog na malapit at pwede tayo magtanin ng Gulay. Tamang-tama na yong lupa para saatin dalawa. " mahinahon na wika ko
" Haha! pambihira ka magkano ba binta non?" Tanong ni Chris natatawa pa siya
" 330k pagcash." Nakanguso na tugon ko
" Don't worry binigyan ako ni Daddy ng ATM card. Kahit paano nagkausap kami. Hindi naman talaga siya galit saatin. Kaya niya ako pinilit ipakasal sa kaibigan niya para lumayo ako Alam ni Dad na hindi ako papayag. Hindi niya masabi dati kaya hinayaan niya ako na malaman ang katutohanan. Magiging maayos din ang lahat kailangan ko lang siguradohin na ligtas ka hanggang sa makapag tapos ka." Mahabang paliwanag ni Chris
" May naisip ako." Nakangiti na wika ko
" Huwag na! Kalokohan na naman yan. " Naiiling na tugon ni Chris
Mahaba ang naging usapan namin ni Chris dahil mahaba din ang byahe
Kinakabahan Hapon na kami Nakarating sa Probinsya sa labas lang ng manila. Hindi mo aakalain na may pagawaan ng Drugs dahil kung pagmamasdan lumang bahay lang na ngunit Sabi ni Chris nasa Ilalim ng Lupa ang laboratoryo.
" Chris! Bakit hindi mo sinabi na nasa Underground ang Laboratoryo? Tapos ang daanan nasa loob ng Bahay." Alanganin na wika ko
" Maglagay ka ng Spy cam sa malapit maghiwalay tayo magkita tayo dito pagkalipas ng Sampong minuto." Utos ni Chris
Sinunod ko ang utos niya maingat ang bawat kilos ko dahan-dahan ako sa paglalakad. Maglagay ako ng Spy cam sa daanan ng sasakyan papasok sa bahay. Hindi ko nagawang makalapit dahil may Aso kaya nagpasya ako bumalik kung saan kami huling naghiwalay ni Chris
Inakbayan ako ni Chris naglakad kami palabas ng Private Subdivision. Hanggang sa makalabas kami ng Subdivision bumalik kami sa sasakyan nagmaniho.
" Private Subdivision pero kapansin-pansin parang Probinsya ang kinaroroonan ng lumang bahay. may kakahuyan sa paligid ng bahay masukal ang paligid ng bahay Pinagmukha nilang Abandonadong bahay Sa ganon paraan hindi maging kahina-hinala.". Paliwanag ni Chris
" Puntahan natin ang ibang kuta nila. Para napag-aralan natin kung paano mapasok. Tamang-tama pagbalik ko sa hacienda pag-aaralan ko ang mga kuta nila." Nakangiti na wika ko
Umabot ng Dalawang linggo ang Road trip namin ni Chris Tatlong kuta ng kalaban ang napuntahan namin. Nakakuha din kami ng video footage sa tatlong kuta.
Pakanta-kanta ako habang naglalakad papasok sa gate ng bahay ni Vaughn kung saan ako naninirahan sa loob ng tatlong taon.
" Saan ka galing? Ganyan ba ang ginagawa mo sa loob ng tatlong taon pagkawala ko?" Pagalit na tanong ng pamilyar na boses
Hindi ko alam kung bakit nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan ako napaangat ng tingin. Napaawang ang labi ko naglandas ang paningin ko sa dibdib ni Vaughn pababa sa Abs nakasandal siya sa gilid ng pinto masama na nakatitig saakin
Nakangiti na naglakad ako palapit sa binata. dahan-dahan ko inangat ang kamay ko hindi ko pinansin ang paninirmon niya
" God! Yummy! Hehe 28 years old not bad! Gosh! Mas gumanda ang katawan niya ngayon. Isa dalawa tatlo. Hehe 8 pack abs. " Nakangiti na sambit ko
" Carmelita." Bulyaw ni Vaughn hinawakan ang kamay ko dahilan para matigil ako sa paghaplos sa Abs niya
Nakangiti ako ng alanganin
" Saan ka nanggaling?" pagalit na tanong ni Vaughn
" Nag Road trip kasama si Papa. " Alanganin na tugon ko
" Bakit naka block ako sayo? Hindi mo ako tinatawagan?" Walang Emosyon tanong ni Vaughn
" A Kasi Inaantok ako matutulog na ako. Hehe Bukas nalang tayo mag-usap. Goodnight Vaughn." Paalam ko nagmamadali ako sa paglalakad paakyat sa Hagdan alam ko kasi nakasunod saakin si Vaughn
Pagpasok ko sa kwarto isasara ko na sana ang pinto humarang si Vaughn pumasok siya sa kwarto ko naupo sa Single na Sofa na nasa loob ng Kwarto ko
" Kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong niya sa mahinahon na boses
" Okay naman! Pasok ako sa Top 10 ng nakaraan, Second Year na ako sa nalalapit na pasukan." Nakangiti na Kwento ko
" Boyfriend? " Tipid na tanong niya
" Boyfriend? Ah tinatanong mo kung may boyfriend ako? Dami nanliligaw kaso Wala akong panahon makipag relasyon. Mahalaga saakin ang pag-aaral kaya hindi ako mag Boyfriend hanggat hindi ko natatapos ang problema sa pamilya ko." Seryoso na tugon ko
Mahalaga saakin ang makapag aral. Napag-alaman ni Papa na kaya siya pinipilit ni Lolo na magpakasal sa anak ng kaibigan nito dahil alam niyang tatanggi si Papa at mas gugustohin lumayo at maghirap kaysa magpakasal sa babaeng hindi niya Gusto. Gumawa ng paraan si Lolo para lumayo kami pinutol niya ang uganyan kay Chris para lang sa kaligtasan namin ni Chris. Kaya gagawin namin ang lahat para mailigtas ni Lolo. Hindi kami pwede magsumbong sa mga police dahil malakas ang koneksyon ng kaibigan ni Lolo sa general ang Kapatid nito kaya ang magagawa namin lumaban ng labag sa batas. Papatayin namin sila sa ganon paraan matatapos ang problema namin. Pinag-aaralan namin ang mga posebling gawin para mapabagsak ang kalaban. Hindi basta-basta ang kalaban kaya mahalaga ang napag-aralan ang bawat detalye sa kanila."
" Good! Samahan mo ako bukas mag-ikot sa Hacienda darating ang Daddy ko kasama ang Dalawang Uncle ko. Makakasama natin sila bukas ng Umaga kaya Maaga ka magising." Mahinahon na wika ni Vaughn
Ngumiti ako naupo ako sa gilid ng Kama ko nakangiti na tumitig ako kay Vaughn bago ako nagsalita
" Vaughn After Graduation ko May regalo ako sayo. Huwag ka muna mag-asawa." Nakangiti na wika ko
" Wala akong Syota paano ako makakapag Asawa." Tugon niya
" Good! " Tipid na tugon ko hinubad ko ang Sapatos na suot ko sinunod ko ang Pantalon
" Hoy! Anong ginagawa mo Bakit naghuhubad ka?" Taranta na tanong ni Vaughn
" Matutulog ako! Hindi ako sanay matulog ng nakapantalon. Wala ka bang balak lumabas ng Kwarto ko? Gusto mo matulog katabi ko?" Nakangisi na Tanong ko
Nagmamadali sa paglabas ng Kwarto ko si Vaughn tumawa ako
Nakangiti na dinampot ko ang Cellphone ko tinawagan ko si Chris
" I'm sleepy Baby! Bukas nalang tayo mag-usap." Inaantok na bungad na wika ni Chris sakabilang linya
" Chris sa Tingin ko pagkatapos ng Laban natin. Pag wala nang kalaban mabibigyan na kita ng Apo. Gwapo pala si Vaughn." Nakangiti na kwento ko
" Talaga? Pangako mo yan ha! Wala nang bawian bibigyan mo ako ng Apo. Hindi na ako mag-asawa mag-aalaga nalang ako ng Apo. "Excited na wika ni Chris
" Hahaha! Alam mo crush ko na Si Vaughn dati unang pagtatagpo pa lang namin. Kaso 15 pa lang ako noon naglalaro pa nga ako. Ngayon 18 pa lang ako Kaya lang hindi pa pwede. " Masaya na wika ko
" Sya nga pala! Bibilhin ko ang Lupa na sinabi mo. Ayusin ko na ang Papales sa mga susunod na araw. Nag deposit si Daddy ng sampong million sa Account na binigay niya saakin kaya makakabili ako ng Big bike." Masaya na wika ni Chris
Nakipag kwentohan pa ako kay Papa inaantok na ako narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto naaninag ko si Vaughn nagkunwari ako na tulog. Naupo siya sa gilid ng kama hinaplos ang Ulo ko.
" Ang Ganda mo Lita! Simula ng makilala kita hindi kana mawala sa isipan ko. Tatlong taon ako nagtrabaho kaya ngayon lang ako nakauwi. Muntikan na ako mamatay ngunit sa tuwing naalala kita nanghihinayang ako kung mamatay ako na hindi manlang kita nakitang matupad ang mga pangarap mo. Mag-aral kang Mabuti. Sapat na saakin ang makita kang masaya. Gusto kita Ngunit Alam kong hindi tayo bagay bata kapa sampong taon ang Tanda ko sayo. Malayo pa ang mararating mo." Mahinahon na sabi niya
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko naramdaman ko din ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa aking narinig lalo na at hinalikan niya ako sa labi.
" God! Ninakaw niya ang First kiss ko. Humanda ka saakin Vaughn maghintay ka lang na matapos ang problema ko Magiging akin ka." Piping sambit ko