Chapter 8 Engagement Ring

1998 Words
Carmelita * * Pinapanood ko si Vaughn masaya na nakikipag usap sa kanyang Ama bigla ko naisip si Chris. " May pera naman na si Chris kaya na namin mabuhay na hindi umaasa sa iba. Mamaya magpapaalam na ako kay Chris sasabihin ko na Aalis na ako sa Pangangalaga ni Vaughn. Masaya gumising sa araw-araw na kasama mo ang mahal mo sa buhay. Gusto ko ang mga luto ni Chris kahit na madalas sunog at hindi maintindihan ang lasa. Kahit na ganon kumakain ako ng lahat na lutuin ni Chris dahil bawat ginagawa nya puno ng pagmamahal. Ngunit kung Uuwi ako kay Chris maaaring mahanap kami ng kalaban. Tatlong taon nalang makakapag tapos na ako. Ano kaya ang gagawin ko?" piping sambit ko habang nakatitig kay Vaughn " Lita right? I'm Uncle Ben ito naman si Brayden Kapatid kami ng Ama ni Vaughn. " nakangiti na wika ng may Edad na lalaki " Hello po! Carmelita po ang palangan ko. Galing ako sa Angkan ng Percy. Apo ako ni Octavius Percy Hidden Heir." Nakangiti na pakilala ko " Kaya pala pamilyar ang mukha mo. Halika nagpahanda ako ng Buko pie maganda Nagkwentohan na kumakain. " Nakangiti na aya ni Brayden " Salamat po Sainyo Mr Ben And Brayden. Kilala ko ang Angkan nyo gusto ko sana humingi ng payo sainyo bilang bihasa na kayo sa pakikipaglaban. 18 lang ako kaya nahihirapan kami ni Papa gumagawa ng hakbang para makalabalik sa Aking Lolo." Seryoso na tugon ko Inakbayan ako ni Ben naglakad kami papunta sa likod bahay may open na kubo sa likod bahay gawa ito sa kawayan. Pagdating namin doon naupo kaming tatlo. May buko pie na nakahanda may hot chocolate din. Napangiti ako agad ako kumuha ng Buko pie. " Sarap! Ilang araw din ako Kumain ng Luto ni Papa kung hindi sunog maalat o kaya hindi maintindihan ang lasa. Bawal ako magreklamo nagtatampo siya. Para ba naman batang paslit si Papa magtampo hindi ako kinakausap umiirap sa tuwing kakausapin ko." Nakangiti na kwento ko habang kumakain " Sa tingin ko sa Papa mo umiikot ang buhay mo." Nakangiti na wika ni Brayden " Opo! Sir Brayden si Papa din ang buhay ko. Wala akong ibang gusto Kundi ang makasama ang Papa ko. Magising sa Umaga na nakahanda ang sunog na pagkain. Puno ng Asaran at Tawanan ang bawat araw." Nakangiti na tugon ko " Tawagin mo kaming Uncle." Nakangiti na wika ni Ben " Uncle's." Nakangiti na wika ko Nanlaki ang mga mata ko bigla dinampot ni Uncle Ben ang dinner knife mabilis na sinaksak ako. Mabilis ako umilag dinampot ko ang baso binato ko kay Uncle Brayden. Mabilis ako umilag sa flying kick ni Uncle Ben Yumuko ako sabay ikot kasabay ang pag-ilag sa Suntok ni Uncle Brayden. Napapangiti ako habang iniilagan ang pagsugod ng dalawang matanda Putok ng baril ang nagpatigil saamin alanganin na napatingin kami sa pinanggalingan ng putok " Naglalaro lang kami." magkakasabay na Wika namin Namumula sa galit Ang Mukha ni Vaughn nagmamadali sa paglalakad palapit saamin " Uncle Ben! Uncle Brayden pwede nyo ako turuan gumamit ng knife? Alam ko lang gumamit ng baril Gun lover kasi si Papa hate nya ang Knife." Pabulong na wika ko " Oo ba! Sa tingin ko mabilis ka lang matuto. Pag-alis ni Vaughn babalik kami dito tuturuan ka namin. Mabilis ka pero mabagal ang mga mata mo." Pabulong na tugon ni Uncle Ben " Sa tingin ko kaya mong lagpasan ang galing sa pakikipaglaban ng kambal ko. Kaya mo na nga umilag saamin dalawa pagnakaya mo kami masugatan bibigyan ka namin ng Ducati bike." Pabulong na wika ni Uncle Brayden Bigla ako hinila ni Vaughn palayo sa tiyuhin niya " Siraulo na si Lita sakit siya sa Ulo ng mga Trabahodor ko dito kaya pakiusap lang huwag nyo nang Dagdagan." walang Emosyon wika ni Vaughn " Aalis din kami sa susunod na araw! Napabisita lang kami Kinikilala lang namin ang Babaeng tinatago mo dito. Kilala ko ang Kanyang Lolo classmates ko ng College." Wika ni Uncle Ben " Hehe! Hi Future father in-law! Ako ang Future wife ni Vaughn." Nakangiti na pakilala ko sa Daddy ni Vaughn Napangisi ako nanlaki ang mga mata ni Vaughn namula ang magkabilang pisngi " Ahemm! " Tikhim ni Vaughn Mabilis na hinila ako palayo sa tatlong matanda Kumindat ako sakanila " Hahaha." Tawanan ng tatlo Napangiti ako nawala ang galit ni Vaughn alam ko kasi na may gusto saakin si Vaughn kaya naisip ko biruin. Hindi ako nabigo namula ang pisngi ni Vaughn " Pagdating namin sa kusina sinandal niya ako sa Refrigerator yumuko siya dahan-dahan inilapit ang mukha sa mukha ko. " Linawin mo nga ang sinabi mo? Sabi mo kanina Ikaw ang future wife ko? Kilan kita naging Girlfriend? Wala kasi akong Maalala." Pabulong na tanong ni Vaughn sobrang lapit ng bibig niya saakin kaunti nalang maglalapat na ang mga labi namin. Aamoy ko ang mabagong hininga nya Dahil pilya ako kaya inilapit ko pa ang labi ko sa kanyang labi. Hanggang sa maglapat ang labi namin sa isat-isa nanlaki ang mga mata ni Vaughn natigilan siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi niya " Bayad kana! Binalik ko lang ang ninakaw mong halik saakin kagabi. Kung hahalikan mo ako dapat ang gising ako para naman ma enjoy ko. Future Husband." Pabulong na wika ko Umayos ng tayo si Vaughn tumalikod tumikhim muna bago nagsalita " M-may regalo ako nasa ibabaw ng kama mo. Pasalubong ko yon sayo nasa magustohan mo." pautal na wika niya tumikhim ulit nagmamadali sa paglabas ng bahay " Hahaha! Akalain mo cute pala mainlove si Vaughn." Natatawa na wika ko Nakangiti na dinukot ko ang Cellphone ko sa Bulsa ng Sweatpants ko tinawagan ko si Chris naglakad ako palabas ng bahay habang hinihintay ko ang pagsagot ni Chris sumigaw ako para magpaalam " Manang Amparo! Pakisabi kay Vaughn sa Kubo ako matutulog. Doon na din ako kakain ng haponan." Pasigaw na paalam ko Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni Vaughn kinausap ko na si Chris " Lita Tarantado ka! Bumalik ka dito! Malayo ang kubo sa dulo pa ng Hacienda yon." Sigaw ni Vaughn " Bakit? Ano na naman kalokohan ang ginawa mo?" Bungad na tanong ni Chris " Haha! Alam mo nagkunwari ako tulog kagabi. Tapos kinakausap ako ni Vaughn habang tulog. Sinabi niya na Gusto niya ako pero hindi niya magawang magtapat saakin dahil bata pa ako malayo pa ang mararating sa buhay. Hinalikan nya nga ako sa labi. Kaya ngayon Umaga Gumanti ako dinampian ko din siya ng halik sa labi. Haha Ang cute nya Chris namula ang pisngi niya tapos nautal pa. " Masaya na kwento ko kay Chris " Hahaha! Totoong inlove sayo si Vaughn? Haha sabi ko na nga ba! Magugustohan ka niya dahil maganda ka kamukha kaya kita! Huwag ka muna makipag relasyon ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral mo. Pagdating ng tamang pahanon Pag okay na ang lahat saka ka bumalik para sakanya. Kung talaga kayo ang nakatadhana sa isat-isa maghihintay yan sayo." Masaya na wika ni Chris sa kabilang linya " Ito pa Chris! Nakilala ko ang Tatlong magkakapatid na Shoun nakalaro ko si Uncle ben at Brayden nakaya ko ilagan ang magkasabay na pagsugod nila saakin. Naki-usap ako kung pwede nila ako turuan gumamit ng knife sabi nila pag-alis daw ni Vaughn. " Excited na tugon ko " Nangunguna ang kanilang Angkan sa galing sa pakikipaglaban. Pangalawa ang Anong Angkan ba yon? Nakalimutan ko basta hindi pahuhuli ang Angkan natin sa galing sa pakikipaglaban. Hindi man tayo kabilang sa Angkan ng Mafia Isang martial artist naman ang Lolo ko. Kaya sa galing sa pakikipaglaban hindi pahuhuli ang Angkan natin. Kaya huwag mo ipakita sakanila ang galing mo sa pakikipaglaban. Hanggat maaari aralin mo ang iba't ibang style ng martial artist Sa ganon paraan Pagdating ng araw maipapamana mo sa magiging anak mo ang mga natutunan mo. " mahabang pangaral ni Chris " Ayeeeh! May bago akong matutunan! Ni Minsan hindi ko pinaalam sa hacienda na marunong ako lumaban. Kanina lang bigla ako sinugod ng magkapatid. " Masaya na Sambit ko Sa habang ng paglalakad ko mahaba din ang Napag-usapan namin ni Chris. Iwan ko ba pag wala akong ginagawa mas gusto kausap Papa ko kahit nga paulit-ulit ang Napag-usapan namin hindi ako nagsasawa. " Chris! Pag-aaralan ko muna ang Footage ng Kuta sa labas ng manila. " wika ko " Oh Sige! Bibili lang ako ng lutong ulam. Pagkatapos kumain maghahanap ako ng maayos na lupain ang Medyo malaki na. Ngayon may pera na tayo makakabili na ako ng Bahay. Manatili ka diyan sa Hacienda ligtas ka d'yan. Takot ang maliit na grupo sa Angkan ng Shoun kaya diyan lang ang pinakaligtas na lugar para sayo." Mahabang Tugon ni Chris " Bye-bye Chris Love you." Nakangiti na Wika ko " Love you too nak! Ingat ka." Tugon ni Chris Naupo ako sa upuan sa labas ng kubo pinanood ko sa cellphone ko ang kuha ng Spy cam na nilagay namin. " Hirap makapasok dito. Pero kung mapag-aralan mabuti ang bawat kilos nila kung kilan kaunti ang tao at kung kilan maraming pumapasok. Hindi biro ang ganitong kalaban mga halang ang kaluluwa ng kalaban. Mahirap para saakin ang pumatay ng tao hindi pa ako kakapatay ng tao nakikipag laban ako pero hindi ako pumapatay. Dapat malagpasan ko ang ganon takot. Dapat handa ako mamatay at pumapatay. Kung gusto ko matapos ang pagtatago namin ni Papa. " Piping sambit ko " Kung Makakalapit ako sa isa sakanila tapos mailagay ko sa damit nila ang Spy cam makikita ko ang loob. Hahaha! Alam ko na ." Nakangiti na sambit ko Agad ko tinawagan si Chris " Ano may plano kanaba?" Bungad na tanong ni Chris sakabilang linya " Yup! Bumili ka ng Spy cam tapos ILagay mo sa damit o kaya sa gamit ng isa sa Tauhan ng laboratoryo. " Nakangiti na wika ko " Tama! hindi ko naisip yon ah! Naghahanap ako ng Mabibilhan ng Time bomb balak ko bombahin ang Laboratoryo." Masaya na wika ni Chris " Huwag kang magmadali. Kailangan muna natin kilalanin kung sino-sino ang kalaban natin. Sa ganon paraan pag nag umpisa tayo sumakay sunod-sunod na ang gagawin natin pagpatay sa kalaban. Sa ngayon hayaan mo sila. " Mahinahon na wika ko " Pwede ba bawasan ko sila?" Tanong ni Chris " Nope! Nag-aaral pa ako. Wala pa saakin ang kabuohan ng ari-arian ni Lolo kaya kailangan natin mag-ingat. Ipagpatuloy mo ang pagkilala sa mga kalaban. Iisa-isahin natin sila Balang Araw." Wika ko " Sandali lang nak! Mamaya na lang dumating na ang may ari ng lupa." Paalam ni Chris " Bakit ka Umalis? Tanghali na hindi ka manlang ba kakain?" Napaangat ako ng tingin nanlilisik ang mata ni Vaughn nakatitig saakin may bitbit siyang Basket na may lamang pagkain " Naku! Mukhang pinaglihi ata sa sama ng loob ang Lalaking to. " Piping sambit ko " Hindi ako nagugutom! Mas gusto ko kasi dito tahimik at nakakapag isip ako." Tugon ko Napangiwi ako tumunog ang tummy ko halatang gutom na ako. Binuksan ni Vaughn ang kubo dahan-dahan ako napatayo sa pagkakaupo sumunod ako kay Vaughn papasok sa kubo " Iniiwasan mo ba ako Carmelita?" Tanong ni Vaughn " Hindi naman! bakit naman kita iiwasan. Madalas ako tumambay dito! Dito rin ako madalas matulog Tahimik dito. " tugon ko " Kumain kana! Umalis na sila Daddy. " Wika ni Vaughn " May tanim ako na sweet potato may laman na yon ilaga natin para mamaya." nakangiti na wika ko Inumpisahan ko kainin ang pagkain na dala niya habang kumakain ako nakatitig lang saakin si Vaughn Tumayo siya naglakad papunta sa bandang likuran ko. Nagulat ako sa ginawa niya. May sinuot siya sa kwentas saakin may Pendant na sing-sing. " Balang araw baka sakaling magustohan mo ako. Isuot mo ang sing-sing na yan Kahit anong Oras Papakasalan kita. " Pabulong na wika ni Vaughn " Engagement Ring?" Tanong ko " Wow! Iba ka Vaughn. " Nagpipigil sa tawa na wika ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD