Carmelita
*
*
" Nakatitig ako sa sing-sing sa pendant ng kwentas ko
" Pambihira hindi ka manlang ba manliligaw?" tanong ko
" Hindi na kailangan! Bata kapa ayaw kong maging Hadlang sa pangarap mo. Gusto kita Hindi ka mawala sa isipan ko kaya alam ko sa sarili ko mahal kita. Sa ngayon hanggang doon lang muna! Kalimutan mo nalang ang nalaman mo. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo Malayo pa ang mararating mo sa buhay. Nandito lang naman ako maghihintay ako kung kilan ka magiging handa. " Mahinahon na tugon ni Vaughn
" Paano kung hindi pala kita Gusto?" tanong ko
Natigilan siya hindi nakasagot
" Wala akong plano magkaroon ng Romantikong relasyon sa kahit na sinong lalaki kaya huwag kang umasa. Umiikot ang buong buhay ko saaking Ama. At hindi ko rin sigurado kung magugustohan kita lalo pa at Marami akong dapat pagtuonan ng pansin. Sa Ngayon maging magkaibigan nalang tayo." Mahabang wika ko
Kitang-kita ko sa mukha ni Vaughn na parang binuhusan ng malamig na tubig
" Binastid mo ako? " Hindi makapaniwala na tanong niya
" Yup! Hindi kita gusto! Alam ko may utang na loob ako sayo. Pero hindi ko matatanggap ang pag-ibig mo. Si Chris ang gusto ko makasama habang nabubuhay ako. Si Chris ang dahilan kung bakit nabubuhay ako ngayon. Kaya si Chris lang ang mamahalin ko habang buhay. " Seryoso na tugon ko
" Chris? Dati ko pa naririnig ang pangalan niya? Siya ba ang kasintahan mo? " Galit na tanong ni Vaughn
Napangiwi ako hindi ko ba nasabi sakanya na si Chris ang Papa ko. Natural lang naman sa anak na Mahalin ang kanyang magulang. Lalo pa at si Chris nalang ang Natitirang Magulang ko wala na akong mama. Hindi ko na maaalala ang Mama ko kaya Papa's girl talaga ako.
Nakaisip ako ng kapilyahan gusto ko makitang magselos si Vaughn gusto ko subukan kung gaano niya ako kamahal. Hindi ako Naniniwala sa nararamdaman niya babaero ang gagong to
" Yup! I love him." Seryoso na tugon ko
Biglang siya tumalikod Bahagya ako nakaramdam ng pagsisisi na hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya.
Napatayo ako naririnig ko kasi ang pagmumura ni Vaughn
" Papatayin ko ang hayop na yon! She's fvckin mine." Galit na galit na sigaw ni Vaughn pinagsusuntok niya ang Puno ng niyog nagdurugo ang kamay niya
Huminga ako ng malalim napapailing na naglakad palapit sa binata.
" Akala ko ba maghihintay ka? " Tanong ko
Sinamaan niya ako ng tingin naglakad palayo napataas ang kilay ko
" Baliw! Kung hindi lang mapanganib sa labas baka Lumayas na ako dito. Kaso dito lang ako umabot ng tatlong taon na walang nagbabanta sa buhay ko. " Naiinis na wika ko
Pumasok ako sa loob ng bahay pinagpatuloy ko ang pagkain. Pagkatapos kumain naupo ako sa upuan sa labas. Pinanood ko ang ibang video footage. Paulit-ulit ko Pinanood pinag-aaralan ko kung paano makalabas at makapasok sa loob. Napapangiti ako nakabuo ako ng plano. Nakaulit sa isipan ko ang mukha ng mga kalaban.
" Hanggang ngayon nand'yan ka parin nakaupo. Hindi mo ba napapansin ang paligid mo? Madilim na."
Napatayo ako nagpalinga-linga ako sa palagid nag-aagaw ang dilim at liwanag 10% nalang din ang battery ng cellphone ko
" Sorry." Tugon ko
Nagmamadali ako sa pagpasok sa kubo pagkatapos ko e charge ang cellphone nilagpasan ko si Vaughn akmang maglalagay ako ng bigas sa Rice cooker nagsalita siya
" May pagkain akong dala." Mahinahon na wika ni Vaughn
Napangiti ako nawala na ata ang galit niya saakin.
" Kalimutan mo ang nangyari kanila." Wika niya
Napangiwi ako may benda ang magkabilang kamay niya
Tumango ako naisip ko na kausapin siya ng Seryoso pagkatapos kumain
Pinanood niya ako Kumain hinayaan ko lang siya. Pagkatapos kumain naupo kami sa labas ng bahay may hawak ako na tasa na may laman na tea. Magkatabi kami sa upuan magkadikit ang braso namin sa isat-isa
" Gustong-gusto ko alamin ang lihim ng pagkatao mo. Ngunit hindi ko ginawa wala akong karapatan pakialaman ang personal na buhay mo. Ngunit kung gusto mo ng tulong magsabi kalang handa kita tulongan sa problema mo." Mahinahon na wika ni Vaughn
Humigop muna ako ng tea bago sumagot
" Sapat na ang pagtanggap mo saakin. Binigyan mo ako ng tahanan binigyan mo ako ng pagkain at pinag-aral. Nagpapasalamat ako sayo habang buhay ko tatanawin na utang na loob sayo ang kabutihan ginawa mo saakin. May sarili akong problema ngunit kahit paano maganda ang resulta. Hindi naman pala galit si Lolo saamin ni Papa. sadyang may mga bagay lang na mahirap intindihin. " mahabang wika ko
" Gusto mo matuto makipag laban? Isa akong Secret Agent kaya kitang turoan." Nakangiti na wika ni Vaughn
Napatingin ako kay Vaughn bakas ang saya sa aking mukha
" Talaga? Si Chris at Uncle lang ang nagturo saakin makipag laban simula ng magkaisip ako. Kaya malaking karangalan ang matuto sa ilalim ng pagsasanay mo." nakangiti na wika ko
" Sa tingin ko kasi ito ang pinaka magandang gawin. Dahil nasa poder kita maaaring mapahamak ka. Shoun ang Angkan kinabibilangan ko. Daming kaaaway ang Angkan namin. " Seryoso na wika ni Vaughn
" May ibang kalaban kaya ang kaibigan ni Lolo? Pwede kaya sila nalang magpatayan? Mabilis pabagsakin ang ganon. Dalawang grupo maglalaban tapos saka kami palihim na sasalakay ni Chris." Piping sambit ko
" Kaya ayaw ko makipag kaibigan! " sambit ko
Naalala ko kasi ang kaibigan ni Lolo ang kalaban ni Lolo ngayon.
" Bakit naman?" Tanong ni Vaughn
" Hindi mapagkakatiwalaan ang kaibigan. Kadalasan yon pa ang makakalaban mo Pagdating ng araw. Tulad ng lolo ko childhood friend niya ang kalaban ngayon. " Malungkot na wika ko
" Hindi naman lahat ng kaibigan traidor kailangan mo lang mamili ng kaibigan. Tulad ng mga kaibigan ko nalagay ako sa panganib akala ko mamatay na ako ngunit hindi nila ako iniwan Kaya hanggang ngayon buhay pa ako. Kailangan mo lang pumili ng kaibigan na makakasama mo sa hirap at ginhawa. Ang ituturin ka bilang Kapatid." Mahabang tugon ni Vaughn
" Ang bango mo Vaughn parang ang sarap mo yakapin. " Nakangiti na wika ko
" Yakapin mo." Halos pabulong na tugon niya
Inamoy ko ang balikat niya papunta sa dibdib.
" Ang bango! Nakakainlove ." Nakangiti na sambit ko
" Hahaha." Tawa ni Vaughn
Inilayo niya ang mukha ko sa dibdib niya
" Tama na baka makalimutan ko n----
Hindi na natapos ni Vaughn ang sasabihin bigla ko siya hinalikan sa pisngi natigilan siya napahawak sa pisngi napangiti siya
" Tara! Road trip tayo." Nakangiti na aya ni Vaughn
Hindi pa ako kakasagot tumayo na siya hinila ako sa kamay bigla niya ako binuhat pinasakay sa kabayo. Nasa Unahan ako yakap niya ako sa bewang habang tumakbo ang kabayo.
Hindi ko mapailiwanag ang nararamdaman ko. Para bang Gustong-gusto ko siya yakapin. Ang bango talaga niya kinikilig ako sa tuwing naamoy ko siya.
" Baka maubos ang ako sa kakaamoy mo." Pagbibiro na wika ni Vaughn
Huminto siya sa ilalim ng puno ng malaking kahoy. Inamoy niya ang Ulo ko
" 18 kana diba?" Namamaos na tanong niya
" Yup." Tugon ko
" Can i kiss you?" Tanong niya
Hindi pa ako nakakasagot bigla niya kinabig ang batok ko pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Napaungol ako ng sipsipin niya ang dila ko. Hindi ko magpailiwanag ang nararamdaman ko nanlalamig ang buong katawan ko. Nanghihina ang tuhod ko Hindi ko alam kung bakit ang tamis ng Labi niya.
Sinusubukan ko tumugon sa kanyang halik ngunit hindi ko alam kung paano. Hingal na pinakawalan niya ang labi ko niyakap niya ako ng mahigpit
" Sorry! Hindi ko napigilin ang sarili ko. Ngunit hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita. At paulit-ulit ko gagawin yon." Namamaos na bulong ni Vaughn
Napatulala ako naglalakad na ulit ang kabayo ngunit hawak ko parin ang labi ko. Nanlalamig parin ang kamay ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Panay ang halik ni Vaughn sa Ulo ko
Pagdating sa Kwarda ng mga kabayo naglakad na ako pauwi sa bahay wala akong imik para bang nalalasahan ko pa ang labi niya. Medyo malayo pa ang bahay madilim ang daanan dahil gabi na n oras na to.
Napatingin ako kay Vaughn hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya iyon Hindi ko Tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tahimik lang kami habang naglalakad na magkahawak kamay.
Natatanaw ko na ang Bahay huminga si Vaughn pinaharap niya ako sakanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahan-dahan niya binaba ang kanyang mukha pumikit ako hinintay ko na lumapat ang labi niya sa labi ko.
Marahan niya inangkin ang labi ko. Kinabig niya ako sa batok habang nasa bewang ko naman ang isang kamay niya. Binuka ko ang aking labi dahan-dahan ko ginagaya ang paraan ng paghalik niya mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Kusang humiwalay ang labi namin ng kapusin kami ng Hininga.
Niyakap niya ako ng mahigpit hindi ako umimik nagugulohan ako sa nangyayari. First time ko mahalikan sa labi ibang klasing halik kagabi ng hinalikan niya ako dampi lang sa labi pero ngayon talagang lips to lips ang ginawa namin.
" You're mine Carmelita." Bulong niya hinawakan niya ang baba ko dinampian ng halik sa labi. Hinawakan niya ang kamay ko nagpatuloy kami sa paglalakad kahit na madilim alam ko namumula ang mukha ko. Gulat ako sa nangyari kaya hindi ako nakasagot sa mga sinasabi ni Vaughn.
Pagpasok sa gate binitawan ni Vaughn ang kamay ko Umaktong normal at walang mamagitan saamin
" Nanay! Kakain na kami ni Lita. " Utos ni Vaughn
" Sige ihahanda ko lang ang Hapag kainan. " Tugon ng matanda
" Lita bakit nangangamatis yang mukha mo? Tahimik ka ata may nangyari ba?" Tanong ni Isadora kasambahay
" Huh? W-wala. Hindi ako kakain busog ako Kumain ako sa kubo. " Pautal na tugon ko nagmamadali ako sa pag-akyat sa hagdan nilock ko ang pinto ng kwarto ko pagpasok ko
" Lita! Sabayan mo ako Kumain. " Wika ni Vaughn sa labas ng pinto
Napatingin ako sa pinto napaatras ako naupo ako sa gilid ng Kama. Nagulat ako ng bumukas ang pinto nakangiti na mukha ni Vaughn ang bumungad saakin.
Namumula ang mukha ko na napatitig sa kanyang labi. Napalunok ako habang tinitingnan ang mapula niyang labi. nilock niya ang pinto ng kwarto ko
" Ni lock ko yon kanina paano ka nakapasok?" Nagugulohan na tanong ko
" Pinto lang yan mabilis lang buksan at isa pa ako ang may ari ng bahay kaya may duplicate ako." Nakangiti na wika ni Vaughn
Naglakad siya palapit saakin tiningnan ang mga box na regalo sa ibabaw ng kama
" Bibili ko yan para sayo hindi mo manlang binuksan. " Nagtatampo na wika niya naupo sa tabi ko
Isa-isa ko binuksan ang box may perfume, Bracelet. Watch. Rubber Shoes.
" Thanks.". Nakangiti na wika ko
" Ano Sama ka Road trip tayo. Dala ka ng damit at Pang swimming. Papunta tayo sa Beach Resort namiss ko na rin mag beach." nakangiti na Aya ni Vaughn
" Sige ba! Magbibihis lang ako at mag-aayos ng dadalhin." Nakangiti na tugon ko
" Hintayin kita sa Kotse." Nakangiti na tugon ni Vaughn
" Tika lang bakit gabi tayo Aalis?" Tanong ko
" Mas maganda byumahe ng gabi pwesko ang hangin." Nakangiti na tugon ni Vaughn
Tumango nalang ako tumayo si Vaughn nakangiti na naglakad palabas
" Yes! Makakasama ko siya ng matagal. Oh God I love kissing her." Kausap ni Vaughn sa kanyang sarili
" Aba siraulo na to ah. Tika binastid ko siya kanina tapos naka dalawang halik na siya saakin. Mukhang wala nang Ligaw-ligaw na mangyayari. " Kausap ko sa sarili ko
Nanlalaki ang mga mata ko hindi ako makapaniwala napagtanto ko kung ano ang nangyayari
" WAAAAAAH! Langhiya Naisahan ako doon ah. Ayaw ko makipag relasyon pero dahil sa hinalikan ako ni Vaughn parang nagkaroon kami bigla ng relasyon dahil lang sa halik? Kainis! Lintik na lalaking to babaero talaga." Naiinis na sambit ko