Anak ko si Khurt? My God, bakit hindi ko man lang iyon napansin. "Kayo po pala ang nagpa-utang kay Kate." Hindi niya sana ibig na magpunta roon pero naisip niya na asikasuhin ang pagpapalipat sa isang private room ng ng anak ni Kate at pagbibigay narin dito ng isang private nurse. Ginagawa niya iyon hindi dahil concern siya kay Kate o sa anak nito. He was doing it because he want her whole attention. Gusto niyang maging komportable ang anak nito upang hindi na nito masyadong alalahanin pa ang bata. Lalo na sa mga panahon na kasama niya ito. Gusto niya ay naka-focus lang ito sa kaniya. Alam niya na mas magiging panatag ito kapag nasa komportableng kwarto at may personal na tagapag-alaga ang anak nito kaya iyon ang ginagawa niya. "Ah, ito po... Hindi ko alam kung anong prutas ang gusto

