Kabanata 45: Maghihintay

1352 Words

Tatlong araw. Tatlong araw na niyang hindi matawagan si Winsley. Nag-aalala na siya para dito. Hindi man lang kasi ito bumibisita sa anak nila. Pagkatapos ng pakikikipag-usap nito sa ama ay para nalang itong naging bula. Hindi na ito nagpakita. Pinuntahan na niya ito sa mansion pero ni anino nito ay hindi niya nasumpungan doon. Hindi na niya alam kung kanino siya magtatanong. Kung saan niya ito hahanapin. "Pwede ba Kate, kumalma ka nga lang. Ako ang nai-stress sa'yo e." Pinilit siyang paupuin ni Oliver. Tinabihan siya nito. Sinusubukan naman niyang kumalma pero kahit ano ang gawin niya ay nauuwi siya sa pag-iisip kung ano na ba ang nangyari kay Winsley. Kung nagalit ito sa ama ay bakit naman pati sila ni Khurt ay dinamay nito at pinagtaguan. Ang gulo gulo na ng utak niya. "Ollie... Hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD