Pagka-upo ng dalawa sa bench ay tumingala sa kalangitin si Oliver na ginaya naman ni Kate. Asul na asul ang kalangitan. Tila nakikipagdiwang iyon sa kaniya. Pagkatapos ng operasyon ni Khurt ay nawala na ang bigat ng dinadala niya. Maliban sa nangyayari sa kanila ni Winsley ay wala na siyang iba pang iniisip kaya bahagya ng kalmado ang utak niya. Magiging ayos rin ang lahat. "So, ano na ang plano mo? Kung hindi mo pakakasalan ang babaeng nirereto sa'yo ng daddy mo, I'm sure may back up plan ka para makalusot ng hindi umaamin sa kanila na bakla ka?" pagbubukas niya ng usapan. "Ouch ka Kate ah. Hinay hinay naman sa pagsasalita oh. Tampalin ko iyang bibig mo eh." Natawa siya sa naging sagot sa kaniya ni Oliver. Nagbaba na siya ng tingin, doon niya nakita na nakatitig na rin ito sa kani

