"Baka nagugutom ka na Kate. Heto at mauna ka nang kumain." Nakangiting iniabot sa kaniya ni nanay Madel ang mga dala nito na nakalagay sa paper bag. Kunot-noo niya iyong tinanggap at saka nagtanong sa matanda. "Ano po ito?" "Aba pagkain daw. Ibinigay ng manliligaw mo." Nakangiting sagot nito. Lalo pang nangunot ang noo niya dahil sa naging sagot nito. Wala naman kasi siyang manliligaw e. Hindi niya tuloy maisip kung sino ang tinutukoy nito. "Manliligaw?" "Oo. Iyong amo mo na bumisita sa amin ni Khurt noong nakaraan. Sa tingin ko, may plano talagang manligaw sa iyo ang binitang iyon e. Noong una kasi ay pina-utang ka ng pera, tapos binigyan pa si Khurt ng pribadong nurse at kwarto. Hindi lang iyon, noong nakaraan ay binisita pa kami at ngayon naman..." "Hindi po nanliligaw si Win

