"Whoa is that for me? Napaka thoughtful talaga ng kapatid ko." Zygfryd smiled and tap his shoulder. Para itong bata na nagpa-cute pa sa kaniya. "Tsk... At saan mo naman nakuha ang idea na para sa'yo ang pagkaing ito ha?" Siniko niya ang kapatid. Pagkatapos mabayaran ang mga ni-take out niya ay iniwanan na niya ang tumatawang kapatid bitbit ang mga pagkaing binili niya. "Wow. At para naman kanino ang mga pagkaing iyan? May pinopormahan ka ba?" Tinakbo siya agad ni Zygfryd at sinabayan sa paglalakad palabas ng restaurant. Hindi parin napapalis ang ngiti nito sa labi. "Detective ka hindi ba?" sarcastic niyang sagot sabay irap dito. Lalo pang lumakas ang pagtawa ni Zygfryd. "At talagang gusto mo pa akong pahirapan ha." Umiling-iling ito. Maya-maya lang ay bigla nalang sumeryoso ang mukha

