Sa isang sea food restaurant na malapit lang sa ospital niya dinala si Zygfryd. Habang kumakain ito ay sinimulan na niya ang pag-uusisa dito. Curious talaga kasi siya kung ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon. Gusto niyang malaman kung anong klase ba ng hangi ang nagdala nito sa kaniya.
"Ang totoo niyan ay gusto ko lang sanang... Uhmmm... Humingi ng payo."
Halos mabilaukan siya sa sinabing iyon ni Zygfryd. Ni minsan ay hindi pa ito lumapit sa kahit kanino sa kanila para humingi ng payo. Masyado itong matalino sa lahat ng bagay kaya madalas kapag may problema ito ay ginagawan nito ng sariling komputasyon ito upang masagot. Tapos ngayon ay kailangan nito ang payo niya?
Gaano ba kalaki ang problema nito at hinihingan siya nito ng payo?
"Teka... Don't tell me, tungkol ito sa love?" hula niya. Iyon lang kasi ang naisip niyang pwedeng maging dahilan ng problema nito.
Dahil nga first time nitong humingi ng payo ay ina-assume niya na tungkol ito sa pag-ibig kung saan sigurado siyang inosente pa ang kapatid niya. Yeah, hindi pa nasangkot sa anomang relasyon si Zygfryd kaya baka ito nga ang problema nito.
Bahagyang napakamot ng ulo si Zygfryd. Doon palang ay nasagot na ang tanong niya. Mukhang tama nga ang speculation niya. In love nga ang kapatid niya.
Takteng 'yan...
Dapat niya iyong ipamalita sa mga kapatid nila. Siguradong matutuwa sina Graham, Lantis, Evander at Caydhen kapag sinabi niya sa mga ito ang balita tungkol kay Zygfryd. Baka magpa-party pa ang nga ito.
Naisip niyang tawagan ang mga kapatid nila para ipaalam iyon pero agad na inagaw ni Zygfryd ang kinuha niyang telepono mula sa bulsa niya at inilayo iyon sa kaniya.
"I know what your thinking. Dude, pwede ba... Not now. Sana sa atin nalang muna ito." lumungkot ang mukha nito. Dahil doon ay nakaramdam ng kakaiba si Winsley.
Siguradong may dahilan kung bakit ayaw nitong ipaalam niya sa mga kapatid nila ang nangyayari. Well, hindi sa ngayon.
"Bakit? May masamang family background ba ang babaeng gusto mo?"
"No, its not that!"
"Then why? Bakit hindi ko pwedeng sabihin sa mga kapatid natin? Alam mo namang matagal na namin 'tong iniintay diba? For sure matutuwa sila sa balita."
"Ahhh kasi... I haven't decided yet."
"Ulol Zygfryd! Haven't decide ka diyan! Akin na nga iyang phone ko! Ang dami mong dama eh! Kita naman sa mga mata mo na in-love na talaga e tapos may pa haven't decided yet, decided yet ka pa riyang nalalaman. Siraulo ka ba ha?"
"She's a nun bro..."
Napatigil siya sa pag agaw ng phone niya dahil sa narinig. Napatitig lang siya sa kapatid niya. Kita niya sa ekspresiyon ng mukha nito ang matinding pagka-lungkot. Bigla nalang tuloy bumigat ang paligid nila.
"Sinabi mo bang isa siyang madre? Nasisiraan ka na ba?"
"Well, hindi pa naman talaga siya totoong madre. I mean, isa palang siyang nobisyada."
"At ano naman sa tingin mo ang maitutulong ko sa'yo ha? Gusto mong payuhan kita na tantanan mo ang babaeng iyon dahil wala kang mapapala doon ha?"
"Sort off. Sa ngayon, kailangan ko talaga ng sasapok sa akin para matauhan ako e."
"Kinausap mo ba ba siya? Anong sabi niya?"
"Hindi pa at wala akong plano na magtapat sa kaniya. Ayokong guluhin ang utak niya. Fuck... Bakit ba nangyayari sa akin ito."
Oo nga. Bakit nga ba? To a guy who doesn't believe in love?
Naiiling siyang bumalik sa maayos na pag-upo. Sa totoo lang, wala siyang idea sa dapat niyang sabihin sa kapatid. Sa wala siyang alam sa mga ganoong bagay.
Tsk! Ano nga ba kasi ang pag-ibig?
Paano niya ito matutulungan? Paano kung ang sarili nga niyang puso ay hindi niya mabuo. Paano pa sa iba?
"Where did you meet her?" seryoso niyang tanong. Naroon siya hindi para husgahan ang kapatid niya. Naroon siya para kung sakali ay matulungan niya ito sa lahat ng makakaya niya.
"In my condo. She approached me. Sinabi niya na hinanap niya raw talaga ako para magpatulong sa sikreto ng pamilya niya. Her mother and father died in a car accident. And then recently, iyong kapatid naman niya ang namatay. Naniniwala siya na may pumatay sa pamilya niya kaya hiningi niya ang tulong ko."
"Sinabi mo na ba sa kaniyang mahal mo siya?"
"Of course not! Why would I?"
"Because it is the right thing to do..."
"Ano bang right thing to do ang sinasabi mo diyan ha. At ano? Ipamumukha niya sa akin na hindi ako deserving sa pagmamahal niya? Naa... Hindi ko gagawin ang iniisip mo."
"Then what is your plan?"
"Now? I really don't know Winsley. Damn! I f*****g don't know. Ughhhh... Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. That's why ng malaman kong nandito karin ay hinanap kaagad kita. Kailangan ko talaga ng makakausap ngayon dude. Hindi ko na kayang sarilinin ang isiping ito."
"You better talk to her. Sa tingin ko, iyon lang ang magpapaluwag sa dibdib mo."
"And then what? After that ano na?"
"Kapag ni-reject ka na niya, edi mas magiging madali na para sa'yo ang mag move on. Simply as that. Nasaan ba siya ngayon? Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Uhhh... Nasa condo ko."
"WHAT? Magkasama kayo sa condo mo?"
"Don't get that wrong dude. Itinatago ko lang siya dahil may humahanap sa kaniya. I need to keep her safe. I need to protect her."
"How long she's been there?"
"One month?"
"One month na? Tama ba ang narinig ko? Isang buwan na kayong nagsasama sa iisang bubong?"
"Yeah..."
"One month Zygfryd? One month... Tell me, are you lying to her?"
"Ano bang sinasabi mo?" Yumuko siya at bumalik sa naudlot na pagkain.
"Alam ko kung paano ka mag trabaho. I don't believe na wala ka pang nalalaman sa loob ng isang buwan na iyon."
Tumawa ito. Muli itong tumingin sa kapatid. "Tama ka. Hawak ko na nga ang mga ibedensiya na kailangan niya. Alam ko na ang lahat. Pero... Hindi ko masabi sa kaniya. Alam ko kasi nakapag sinabi ko na ang lahat ay aalis na siya sa buhay ko. Winsley, natatakot ako na tuluyan na siyang lumayo sa akin. Na iiwanan na niya ako kapag wala ng dahilan pa para magsama kami.
Mukhang malaki nga ang problema kapatid niya. Pero paano niya ito matutulungan? Paano kung iyong sarili nga niyang lovelife ay hindi niya maayos e.
Damn f*****g love...
Bakit pa naimbento? Kung sakit lang naman ang dulot nito?