Kanina pa tumutunog ang telepono niya pero dahil alam niyang si Winsley ang tumatawag ay wala siyang balak na sagutin iyon. Ayaw niya muna itong makausap dahil hindi naman ito nakakatulong sa problema niya. Hirap na hirap na nga siya sa paghahanap ng paraan kung saan kukuha ng pampa-opera ng anak ay dumadagdag pa ito sa stress niya.
"Bakit hindi mo sagutin? Baka good news na iyan?" Nguso ni nanay Madel sa telepono niya na nakapatong sa lamesa.
Muli siyang napatingin sa bagay na nag-iingay at napailing na tumayo para kunin iyon. Alam niya... Tatahimik lang si Winsley kapag nasupalpal na niya ito kaya iyon ang gagawin niya. Hindi na niya ito hahayaan pang makalapit muli sa kaniya dahil ayaw na niyang maramdaman ang naramdaman niya noong nakaraang araw. Sapat na ang sakit nang ipamukha nito sa kaniya ang pagkakamali niya. Tanggap na niya na siya ang may kasalanan ng lahat kaya ganoon ang tingin nito sa kaniya at wala na siyang balak pa na makipagtalo dito.
Lumakad siya palabas ng kwarto ni Khurt. Naisipan niyang maglakad-lakad sa labas, upang hindi makagawa ng anomang ingay sa tahimik na hallway. Alam niya kasi na hindi na siya makakapagpigil pa kapag inungkat na naman nito ang pagiging masama niyang babae kaya mainam na iyong nasa labas siya para kapag sumigaw siya ay hindi siya ganoong makakatawag ng atensyon.
"Ano pa ba ang kailangan mo ha? Tapos na ako sa'yo kaya naman tigilan mo na ako!" Galit niyang sigaw. Papatayin na sana niya agad ang cellphone niya pero natigilan siya ng magsalita si Winsley mula sa kabilang linya.
"Babayaran ko ang buong operasyon ng anak mo, ora-mismo..."
"A-anong sabi m-mo?" hindi makapaniwalang ulit niya.
"Mukhang nakuha ko na ang kiliti mo ah..." Tumawa ang nasa kabilang linya.
Naiinis siya sa pagtawa nito pero hindi niya naman magawang tapusin na ang pag-uusap nila dahil gusto niyang marinig ang mga sasabihin pa nito. Gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabibin ng sinabi nito. Kung ano ang kinakailangan niyang gawin para bilang kapalit sa ino-offer nito.
"Diretsahin mo na ako Winsley. Dahil kung nangti-trip ka lang, sinasabi ko sa'yo wala akong oras para sa'yo."
"Ouch. That's rude. Hindi mo man lang ba kayang maging sweet sa magiging kliyente mo ha?"
"Ano ba kasi ang pino-point mo? Spill it out, bago pa ako maubusan ng pasensiya sa pakikinig sa'yo."
"Ok. But first, I need to know kung nasaan ka? Kailangang personal natin itong pag-usapan dahil masyado itong personal."
"Malamang nasa ospital ako."
"Yeah, but where exactly?"
Nagpalinga-linga siya sa paligid.
Narito ba siya ngayon? Imposible naman dahil siguradong hindi ito mag-aakasaya ng oras sa kaniya. Tapos na ito sa kaniya kaya wala a itong dahilan para i-hunting pa siya.
Wala na nga ba?
"Ako nalang ang pupunta sa mansion bukas..."
"No! Ngayon na mismo tayo mag-uusap!"
Nalaglag ang panga niya ng marinig ang pagkaputol ng tawag na iyon. Lalo tuloy siyang naguluhan. Kung gusto kasi siya nitong makausap ay hindi nito tatapusin ang tawag nila. Kaya...
Nagulat nalang siya ng may kamay na humawak sa braso niya. Pagtingin niya sa nagmamay-ari ng kamay na iyon ay ganoon nalang ang naging pagkabigla niya ng makita ang lalaking kanina lang ay kausap niya lang sa telepono. Sinimulan na siya nitong hilahin. Hindi naman siya tumutol sa ginagawa nito. Dinala siya nito sa isang kulay itim na kotse at agad na pinapasok sa loob noon.
"Ano bang ginagawa mo dito?"
Imbes na sagutin ni Winsley ang tanong niya ay may kinuha itong papel sa likurang bahagi ng sasakyan at iniabot sa kaniya. Sunod siya nitong binigyan ng ballpen na naguguluhan niya ring tinanggap.
"Sign that, para naman makapagsimula na tayo," anito.
"Ano ba 'to?" Kunot-noong binasa niya ang hawak na papel. "One hundred thousand for one s*x?" Bumalik ang tingin niya kay Winsley at iwinagayway ang hawak na papel. "Gusto mong makipaglaro, ganoon ba?"
"Exactly."
Tumawa siya. "At ginagawa mo ito dahil alam mong kakagatin ko ang offer mong ito."
"Ang talino ko hindi ba?" Ngumisi ito.
Ibig niyang matawa sa kalokohan na naisip nito. One s*x, one hundred thousand ang kapalit? Ang ibig lang noong sabihin ay may pagsasaluhan pa silang apat na maiinit na pagtatabi.
"Kung iyan ang gusto mo, fine! Kakagatin ko ang offer na ito dahil kailangan ko ang pera mo, pero... Lilinawin ko lang... Gagawin ko ito para sa anak ko."
"As you wish. Now sign that para naman makapagsimula na tayo." Kumindat pa ito na bahagyang ikinainis niya.
Kung hindi niya lang talaga kailangan ng pera nito ay baka kanina niya pa ito nadagukan. Pero naisip niya na mabuti narin iyon kesa naman makaisip pa siya ng masamang bagay para lang makakuha ng malaking pera. Mabuti narin iyon at si Winsley ang gagamit sa kaniya kesa naman patusin niya ang trabaho na baka hindi niya masikmura. Iyong trabaho na ino-offer sa kaniya ng isa sa kamag-anak ng dati niyang amo. Iyong magsusuot siya ng kapiranggot na tela at magiging tagapagsalita sa mga ipinapa-auction nito. Ayos lang sana ang pagsasalita pero para ibuyanyang niya ang katawan niya sa harap ng maraming tao ay hindi niya iyon kaya. Hindi niya kayang humarap sa maraming tao na u***g nalang ang natatakpan sa dibdib niya.
Bumuntong-hininga muna siya bago pinindot ang ballpen na hawak niya at pinirmahan ang kontrata. Agad niya iyong ibinigay kay Winsley na lalo namang ikinaluwag nang pagkakangiti nito.
"Four hundred thousand nalang ang kailangan ko kaya naman apat na beses nalang ang kailangan kong pagpapaubaya sa'yo."
"Ikaw naman... Masaydo ka namang matipid. Five hundred thousand. Babayaran ko ng buo ang operasyon ng anak mo, ngayon na kaya may utang ka pang lima. Itabi mo na lang iyong pauna kong bayad," pormal na sabi nito.
Sinimulan na niyang hubarin ang suot niyang damit. Dahil tinted naman ang sinasakyan nila ay hindi siya nag-aalala na may makakita sa kaniya mula sa labas.
Natawa lang si Winsley. Pinigilan nito ang gagawin niya at ito mismo ang nagsara ng binuksan niyang butones ng suot niya. "Ikaw naman, huwag kang masyadong magmadali. Alam ko naman na gustong-gusto mong gawin natin ito pero relax ka lang. We have all the time in the world Kateey." Kumindat pa ito. Nang maisara na nito ang butones ng suot niya ay binuksan na nito ang pintuan ng kotse.
"Now, let's pay your bills."