"Nalulungkot ako para sa anak mo, pero- kailangan mo ba talagang mag resign ha?"
Sinabi na niya ang lahat sa mga kasamahan niya sa mansion ang pinagdadaanan niya. Ipinaliwanag niya sa mga ito ang dahilan kung bakit aalis na siya sa trabaho niya. Iyong tanging dahilan na naisipan niya para mapagtakpan ang lahat ng kahihiyan na sinasalo niya; ang pagkakasakit ni Khurt.
"Kailangan po kasi ng anak ko ang buong atensyon ko eh. Kaya iyon na muna ang gagawin ko. Tsaka. Kung pwede rin po sanang makuha ko na ang sahod ko," sagot niya sa mayordoma.
Malungkot na ngumiti si aling Adelaida. Mula sa bulsa ng suot nitong apron ay may kinuha itong dalawang kulay puting sobre. Iniabot nito iyon sa kaniya ng paisa-isa. "Ito na ang isang buwang sahod mo. Hindi ko na iyan kinaltasan pa dahil buo naman iyang ipinagkatiwala sa akin ng bago nating amo, kaya buo ko narin iyang ibinibigay sa'yo." Tapos iyong pangalawa naman. "Eto, alam kong maliit na halaga lang ito pero sana ay makatulong sa'yo. Nag ambag-ambag kami para kahit papaano ay makatulong sa gastusin mo." nakangiti nitong sabi.
Madalas ay masungit si aling Adelaida sa kanilang mga kasambahay pero ngayon, sa ganitong sitwasyon ay punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Kahit konti ay hindi niya ito makitaan ng anino ng pagiging istrikta nito.
"Maraming salamat po. Malaking bagay po ito." Sa tuwa ay nayakap niya ito.
Hindi naman ito pumalag sa ginawa niya, bagkus ay hinaplos pa nito ng marahan ang likod niya. "Tatagan mo lang iha. Magiging ayos rin ang lahat."
"Opo. Maraming salamat po."
---×××---
Anong klase ba siyang babae? Bakit naisip niyang lapitan ako?
Tsaka, nasaan na ba 'yong tatay ng anak niya? Bakit hindi ito ang gambalain niya?
PUTEK! ANO BANG TUMATAKBO SA ISIP MO HA KATE?
Muli siyang humigop ng kape. Kahit walang anomang pampatamis ang tinimpla niyang inumin ay hindi niya nalalasahan ang pait niyon dahil na kay Kate ang buong atensiyon niya. Kanina pa ito nakaalis pero patuloy parin ito sa panggugulo sa utak niya.
Hindi niya talaga ito maintindihan.
Mula sa impormasyon na nakuha niya sa mga kaibigan nito ay nalaman niya na may ka live-in na pala ito at may anak na sila. That Oliver Gonzaga, na ngayon nga ay nasa Manila.
Ang gumugulo talaga sa kaniya ay iyong pinagsaluhan nila ni Kate kagabi. Ramdam niya na nadala niya ito sa ginawa nila, indikasyon na sabik ito sa ganoong bagay na ang ibig lang sabihin ay mukhang matagal na itong walang intercourse sa lalaki na imposible namang mangyari dahil may kinakasama nga ito.
Isa pa sa nagbibigay ng sakit sa ulo niya ngayon ay iyong anak nito na nasa ospital daw ngayon pero hindi man lang ito binibigyan ng importansiya ng Oliver ns iyon.
Damn it!
Ano ba ang pakialam ko sa mga buhay nila. f**k! I really hate this feeling na kahit dapat ay wala naman akong pakialam pero gusto kong makialam.
Habang may malalim siyang pinag-iisipan ay bigla nalang tumunog ang cellphone niya na nakatawag ng atensyon niya. Nakapatong iyon sa study table. Walang gana niya iyong kinuha para sagutin.
"Mr. Quinn, nahanap ko na po si Oliver Gonzaga." pagbubukas ng nasa kabilang linya.
"At anong nalaman mo? Anong pinagkaka abalahan niya d'yan sa Manila?"
"Nandito siya dahil inaasikaso niya ang kasal nila ni Milky Grace Dela Fuente. At isa pa Mr. Quinn, mukhang wala pong alam ang parents niya tungkol kay Kate at Khurt."
"Really?"
"Opo. Nakausap ko mismo ang mama niya, at ipinakita ko ang larawan ng dalawa. Sinabi nitong hindi niya pa daw nakikita ang mga ito. Mukha naman pong nagsasabi siya ng totoo."
"Talaga? Ok, sige. Kapag may nalaman ka pa. Tawagan mo lang ako."
Iyon lang at ibinaba na niya ang hawak na telepono. Ibinagsak niya ang katawan niya sa swivel chair at napasandal sa back rest no'n.
Anong klaseng buhay ba ang pinasok mo ha Kate? Isang live-in partner na hindi ka kayang ipaglaban. Iyon ba ang lalaking pinili mo? Is that it?
Well, kaya pala hindi mo magawang lapitan ang tinatawag mong Ollie ha. Dahil alam mong hindi kayo ng anak mo ang priority niya. Tsk! Nakakaawa ka naman. Pero bagay lang sa'yo iyan. You deserve all the pain. Alam mo na ngayon ang pakiramdam na maging last choice ng taong mahal mo.
Napatiim-bagang siya at naikuyom niya ang kamo niya ng manumbalik sa alaala niya ang mukha ni Kate kanina. Bakas na bakas niya sa mukha nito ang pagka-disappoint nito ng marinig ang sinabi niya na walang halaga para sa kaniya ang nangyari sa kanila. Ayaw niya sana iyong sabihin pero dala ng panunumbalik sa alaala niya nang ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya ay kusa iyong lumabas sa bibig niya. Mayroong parte ng pagkatao niya ang nagsasabi na tama lang iyong ginawa niya pero may bahagi rin niya ang tila nasasaktan dahil sa ginagawa niya.
Para tuloy siyang nasa gitna ng nag-uuntugang mga bato.
Hindi na niya alam ang gagawin niya. Gusto niyang masaktan si Kate pero kapag ginagawa niya naman iyon ay naaawa rin siya dito. Kung hindi nga siya nakapagpigil ay baka niyapos niya na ito kanina pagkakitang-pagkakita niya palang dito. Gusto niya itong pakalmahin lalo na ng umiyak ito sa harap niya. Gusto niyang sabihin na magiging ayos lang ang lahat. Na nandito lang siya.
Naiinis niyang ginulo ang buhok. Paulit-ulit niyang pinukpok ang sariling ulo at tumatawang tumayo.
"After all this time, hindi ka pa rin nadadalang tarantado ka!" sermon niya sa sarili.
Kasunod niyon ay ang pagtawa-luha niya na parang nababaliw na.
Kate... Kate... Kate...
Ikaw parin ang dahilan kung bakit patuloy akong nawawala sa sarili. Kahit ano pa ang nangyari at kahit ano pa ang ginawa mo ay bakit hindi ko magawang makaalis sa anino mo?
Habang buhay nalang ba akong ganito? Habang buhay nalang ba akong magiging aso na bubuntot sa'yo?
Damn f*****g feelings. Ayoko na ng ganito!