Kabanata 15: Everyone Dies

1112 Words
"Teka, ano bang inaasahan mo ha? Why are you acting that way na parang may obligasyon akong maging mabait sa'yo pagkatapos ng ginawa natin? Look... Hindi nga ba at ikaw itong nakahubad na lumapit sa akin? What do you expect me to do huh? Lalaki lang ako Kate." Nakangisi nitong sabi. Para siyang bigla nalang nanliit sa sarili niya ng marinig iyon. Natawa siya ng mapakla. She was expecting and assuming too much kaya ito ngayon ang napala niya. Pero hindi iyon ang pakay niya. Wala siyang pakialam kung anoman ang tingin nito ngayon sa kaniya. Basta masabi niya lang dito ang tungkol sa anak nila at matulungan siya nito ay sapat na iyon sa kaniya. "Hindi kita pipigilan kung ano ang gusto mong isipin tungkol sa akin. Ang gusto ko lang ay pakinggan mo ako. Bago ako umalis..." "f**k you!" putol ni Winsley sa kaniya. Binato nito ang hawak na tasa ng kape na agad kumalat sa sahig. "Ayokong marinig ang kung anoman ang sasabihin mo. Sapat na sa akin ang nalaman ko kagabi. Wala kang kwentang babae Kate. Sinayang ko lang ang oras ko sa paghahanap sa'yo. I bet kaya mo ring gawin sa ibang lalaki ang ginawa natin dahil ganoon ka talaga. Parang ang dali lang sa'yo na ibaba ang sarili mo." Napapikit siya. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili niya dahil sa plano niyang paghingi ng tulong dito pero masyado na siyang nasasaktan sa mga sinasabi nito. Tao lang siya at kahit ano ang gawin niya para ipaintindi sa sarili niya na nasasabi lang iyon ni Winsley dahil galit ito ay hindi niya parin mapigilang masaktan. "Pwede ba pakinggan mo muna ako. Kailangan ko ang tulong mo Winsley. Just please listen to me kahit sandali lang." Nagsimula na siyang umiyak. Para namang natigilan bigla si Winsley. Napabalik ito sa pagkakaupo at napasandal sa swivel chair nito. "Nakakatawa. You need me now? Come on, tell me. Ano ang kailangan mo sa akin? Kailangan mo ng pera? Magkano ba ang sisingilin mong talent fee mo?" "Talent fee?" "Oo. Sa ginawa mo kagabi?" Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ilalim ng baba nito at ngumisi sa kaniya. Talagang iyon ang tingin sa kaniya ngayon ni Winsley. Iniisip nito na nagawa niya lang iyong ginawa nila para sa pera. Napakababaw. Pero kailangan niya nga ng pera. Kung hindi niya ito mahihingan gamit ang anak nila ay iyon na nga lang siguro ang dapat niyang gawin. Sasakyan niya ang pag-iisip ng makitid nitong utak. Tutal naman, mukhang hindi nito deserve na makilala ang anak nila. Isang ama na hindi kayang makinig. Baka mas lalo lang siyang masaktan kapag itinanggi nito si Khurt. Kapag hindi nito inako ang bata ay mas lalo lang siyang magdadamdam dito kaya mananahimik nalang siya. Napabuga siya ng hangin tapos muli siyang ngumiti. "Kailangan ko ng five hundred thousand pesos." lakas-loob niyang bitaw. Lalo lang lumuwag ang pagkakangiti ni Winsley. "So that is your price range? Napakamahal mo naman yatang maningil." Lumakad siya palapit dito. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng lamesa nito at inilapit niya ang mukha niya dito. "Nag-enjoy ka naman hindi ba? Kung nagawa mo akong ipahanap para lang matikman ulit ako, sa tingin ko sapat lang ang presyong iyon." "I like your attitude... But no! Masyadong mahal ang sinisingil mo. Sa tingin ko, hindi mo deserve ang ganoon kataas na halaga." "Alam mo, hindi ako naniniwala na ganoon kababa ang tingin mo sa presyo ko." "Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo." "Would you believe, pagkatapos ng isang mahabang taon. Ikaw palang ang lalaking nakapasok ulit sa pag-aari ko. That deserve that price!" Namilog ang mga mata nito. Sinuri siya nito ng tingin tapos nangunot ang mga kilay nito. "Lahat ba talaga sasabihin mo para lang sa halagang iyan? Tell me, saan mo ba gagamitin ang hinihingi mo ha?" Biglang nawala ang tapang sa mukha ni Kate nang matanong iyon ni Winsley. Agad na bumalik sa alaala niya ang dahilan kung bakit siya naroon. Bigla tuloy bumagsak ang balikat niya. "Nasa ospital ang anak ko. Kailangan ko ng pera para sa operasyon niya." "Pera para sa operasyon? At bakit hindi mo hingan ang tatay ng anak mo ha? Ano? Pagkatapos ka niyang anakan ay mag-isa ka nalang na bubuhat ng responsibilidad sa anak ninyo?" "Sinubukan ko na pero napakakitid ng utak niya. Ayaw niya man lang pakinggan ang sasabihin ko. Sa tingin ko sarado na ang utak niya dahil sa galit niya kaya naman wala narin akong pakialam sa kaniya." "At inaasahan mo naman na may magiging pakialam ako sa anak ninyo? What the f**k? Kung iyong ama nga walang pakialam sa kalagayan ng anak niya e. Ako pa kaya. Tsk!" "Hindi naman ako humihingi ng tulong. Nagpapabayad ako Winsley. Hindi ba't iyon naman ang tingin mo sa akin? Pwes bayaran mo ako!" "One hundred thousand. Iyan lang ang ilalabas ko. Tama na iyon para sa serbisyo mo." "Pero limang daang libo ang kailangan ko." "Pwes mukhang kailangan ulit nating gawin iyon? Ano sa tingin mo?" Naka-smirk nitong sabi. Biglang napa-atras si Kate. Pagkatapos ng lahat ng mga masasakit na salitang narinig niya mula dito ay malabong magawa niya ulit ang bagay na iyon. Hindi na niya kaya. Ayaw na niyang gawin nila ulit iyon dahil baka tuluyan na siyang mawasak. Masyado na nga siyang nasasaktan ngayon ay dadagdagan pa ba niya? "Kung may puso ka, babayaran mo ako sa halagang gusto ko. Winsley, nakataya dito ang buhay ng anak ko." "Who cares? Everyone dies." "Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Binuksan nito ang drawer ng study table. Mula roon ay inilabas nito ang isang checkbook at sinulatan ang isang pahina noon pagkatapos ipinatong nito iyon sa lamesa. "One hundred thousand. Take it or leave it!" Kinuha at binasa niya ang nakasulat sa piraso ng papel na iyon. Nang makita niya ang halagang sinabi ni Winsley ay napangiti narin siya kahit paano. Siguro nga, ito lang ang halaga ko. Atleast, kahit paano ay nabawasan na ang hahagilapin kong pera. Tumalikod na siya dito. Tapos na siya sa pakikipaglaro dito. Plano niyang dumiretso sa mayordoma nila at magsabi dito na magre-resign na siya. Hindi na siya magpapapigil pa kay Winsley dahil ngayon ay alam na niya na wala na siyang mahihita dito. Nagbago na ito. Ayaw niya sanang tanggapin iyon pero iyon ang totoo. Hindi na siya nito kayang pakinggan kaya sigurado siyang sarado na ang utak nito. Wala na siyang magagawa pa para ibalik ito sa dating lalaki na minahal niya kaya ngayon palang ay sumusuko na siya. Mas mabuti na iyon kesa madagdagan pa ang pagpapahirap niya sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD