♥RIANE♥ Naaalala ni Riane nang una niyang makita si Thunder Hendrex Monteciara. Natulala siya at kahit anong pagpipigil niya sa sarili niya ay hindi maalis ang paningin niya sa guwapong boss niya. Pakiramdam niya bumalik siya sa panahong 'yon habang pinagmamasdan ang lalaking nakaupo sa may sofa nila at pinagmamasdan ang bahay nila. Kung may hihigit sa salitang guwapo, iyon ang idedepina niya kay Thunder. Lalo na ngayon na bagong gupit ito at ayos na ayos. Napanguso siya at hinarap ang sarili sa nakadikit na full mirror sa pader. Bagong ligo siya pero hindi pa rin naalis ang malalaking eye bags niya. Napangiwi pa siya nang makita ang pimples sa noo niya. Hitsura pa lang hindi na sila bagay. Ano bang naisip niya noon at umasang maaari silang magkatuluyan. Kahit na walang ibang mahal si Th

