♥RIANE♥ Kumunot ang noo ni Riane nang halos makalahati niya na ang isang episode ng series na pinapanood niya. Inalis niya ang earphone at inisip kung aantayin niya pa ba si Mallory o aalis na lang siya. Sabi nito ay saglit lang ito at magpapaalam kay Maam Lou para maaga itong umuwi pero baka matapos niya na ang pinapanood ay baka wala pa rin ito. Matapos ang humigit isang linggo niyang pagdadrama, medyo natauhan na naman siya at napagpasyahang lumabas sa lungga niya. Kaya heto nga at pumunta siya ng MH pero hindi para pumasok kung hindi para mag-resign. Nang sabihin niya sa Nanay niyang magre-resign na siya sa trabaho. Inasahan niyang walang katapusang sermon at kurot ang matitikman niya sa Nanay niya pero isang okay lang ang sinabi nito. Mukhang naintindihan din nito ang dahilan ng pa

