♥RIANE♥ 5 years later... "Hon, made-delay lang naman ng 2 hours ang kasal natin—" "Ayokoooooo! They are so incompetent. It is their problem kung nagkaproblema sa lintik na schedule nila. What I want is to get married at 10 o'clock am not 12 o'clock pm and that's final! Now if they can't do it! There will be no wedding!" Uh oh! Mukhang napipikon na ang fiancée ng kaibigan niyang si Jessica sa kamalditan ng huli. Napailing na lang siya at inantay ang pagbuga ng apoy ng jowa ni Jessica na mala-Christian Grey ang peg. May lahi at talaga namang guwapo't hot. Guwapo. Hot. Mayaman. In short sinuwerte ang loka-loka niyang kaibigan. Nagwawala ang kaibigan niya dahil nagkaroon ng problema sa hotel na pagdarausan ng kasal nito. Mas lalo itong baliw ngayon dahil na rin sa buntis ito kaya malala a

