ZONE 38

1448 Words

♥RIANE♥ Ilang beses kumurap si Riane bago mapagtanto na hindi isang aparisyon ang lalaking nasa harap niya kung hindi totoo ito. Akala niya ay dahil sa pinaghalong pagod at gutom, namalikmata lang siya pero hindi. Dahil talagang ang nasa harap niya ay walang iba kung hindi si Thunder Hendrex Monteciara. Kung guwapo na ito noon masasabi niyang mas guwapo ito ngayon. At hindi niya alam kung anong dapat maging reaksyon niya o mas tamang sabihing ano ang iaarte niya sa harap ng lalaki. Aarte ba siya na tila tuwang-tuwa dahil matagal niyang hindi nakita ang dating kaibigan? Aarte ba siya na wala siyang nakita at tatalikuran ito? Nah. Hindi niya gagawin ang huli. Baka kung ano pang isipin ni Thunder kapag ginawa niya iyon. Kaya naman huminga siya nang malalim at tumikhim. "T-Thunder...a-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD