♥RIANE♥ HOTEL. "Thank you, Thunder—" Hindi na natapos ni Riane ang sasabihin nang may malakas na humampas sa likod niya na sinundan pa ng kurot at paghila ng buhok niya. Kahit kailan napakabrutal ng mga kaibigan niya. "Bruha kang bakla ka! Muntik na kaming pumunta ng pulis, saan ka ba nagpunta?" "Aray puwede—" "Baks naman! Bibili ka lang ng kape hindi ba? Saan lupalop ka ba ng L.A bumili huh?!" "Nana—" "Ano?! Magsalita ka! Diyos ko mapapaanak ako sa 'yo nang wala sa oras niyan eh!" Bumuntong-hininga siya nang napakalalim bago isa-isang sinamaan ng tingin ang tatlo niyang kaibigan. "Kanina ko pa kaya gustong magsalita! Baka gusto niyong patapusin ako sa sasabihin ko mga bakla...hiyang-hiya ako sa pagiging brutal niyo eh." saad niya na napapangiwi dulot ng kurot at hampas na natangg

