♥RIANE♥ Pinigilan ni Riane ang mapapitlag nang dumampi ang kamay ni Thunder sa binti niya at unti-unting itaas ang garter paakyat sa tuhod niya. Pakiramdam niya ay may bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya ngayon. Halos hindi niya na rin marinig ang sigawan ng mga tao sa paligid niya dahil ang tanging naririnig niya lang ay ang malakas na t***k ng puso niya. Nag-iinit ang buong mukha niya at hindi na siya magtataka kung pulang-pula na siya. Nang huminto ang kamay ni Thunder sa tuhod niya at alisin nito iyon ay unti-unti siyang nakahinga nang maluwag. Napapikit siya nang magsigawan ang mga tao na pinangungunahan ng mga kaibigan niya. "Higher! Higher! Higher!" Nasaan na ang mga kaibigan niya na halos patayin sa isip nila si Thunder limang taon na ang nakakaraan? Meron p

