♥RIANE♥ "Do you have a boyfriend?" "W-wala." "That's good to know..." Napailing si Riane nang pumasok muli sa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Thunder kagabi matapos nitong sumama sa pamamasyal niya at nila Mi Mo minus the newlywed na nasa European tour para sa honeymoon ng mga ito. Nagmistulang tour guide nila ito kahapon. She should stop thinking about him, kasi malamang ay hindi na sila muling magkikita pa. Naisip niya habang pinagmamasdan ang ulap mula sa bintana ng eroplanong kinaroroonan niya pabalik ng Pilipinas. Kanina niya pa pinipilit matulog pero naiinis siya na sa tuwing pumipikit siya, nakikita niya ang nakangiting si Thunder. "What are you thinking?" tumingin siya kay Christine at umiling. "Wala." "Mali pala 'yung tanong ko, sino pala ang iniisip mo." "Don't g

