♥RIANE♥ I-add ko ba o hindi? Kanina pa nakatitig si Riane sa harap ng laptop at mahigpit ang kapit sa mouse na hawak-hawak niya. Arguing with herself kung ia-add niya ba si Thunder o hindi. Five years ago. Ibinlock niya si Thunder. Hindi siya bitter. Sadyang kahit picture lang nito ay ayaw niyang makita. It's her way of moving on. Ang tanong, nakamove on ka ba? Papatayin niya na sana ang laptop niya nang may nag-notify sa friend request niya. Thunder Hendrex Monteciara. Confirm. Delete. Hindi niya na pinag-isipan pa at mabilis niyang pinindot ang confirm. After all, kailangan niya din naman na kausapin ang lalaki. Wala pang isang minuto niyang naa-accept ito ay may notifications na dumating sa kanya. Thunder Hendrex Monteciara likes a photo you are tagged in. Sunod-sunod 'yon. T

