"BEER, Tam?" abot ni Jake ng bagong bukas na bote ng beer kay Tamara. "Oh thanks!" nakangiting pasalamat naman ni Tamara sa binata at inabot ang bote ng beer. "May sundo ka ba ngayon?" tanong ng binata sa kanya. "Huh?" ganting tanong ni Tamara na bahagyang hindi naintindihan ang tinutukoy ni Jake. "Marcus Suarez of Suarez construction. Bigatin ng boyfriend mo ang hirap na kalaban. Ang hirap sumingit lalo't grabe kung makabantay sayo," may bahagyang iling pa ni Jake. "He's busy today," tipid na sagot ni Tamara. Ayaw niyang magbigay ng klarong sagot ng tungkol sa relasyon nila ni Marcus. Lantaran naman kasi ang pagpaparamdam sa kanya ni Jake. Baka kung sasabihin niya na hindi pa niya boyfriend si Marcus ay isipin pa nitong binibigyan niya ito ng pag-asang makapanligaw sa kanya. Tumango

