HINDI alam ni Katrina kung tatawanan ang matalik na kaibigan o kikiligin siya tungkol sa mga reklamo nito tungkol kay Nathan. "Hahaha.," hindi niya napigilan at kumawala ang pinipigil niyang tawa. "Anong nakakatawa?" pikon naman agad na tanong ni Tamara. "Kinikilig kasi ako sa inyong dalawa," nakangiti paring sagot ni Katrina. "Anong nakakakilig doon? Nakakabwisit nga eh. Ang sarap katayin ng buhay!" "Ang harsh mo naman. Gusto mo bang bumaha ng luha ang San Martin dahil sa mga babaeng iiyak kapag kinatay mo si Doc Pogi?" pagbibiro pa ni Katrina. "Anyari sayo? 'Kala ko ba best friend tayo, bakit kampi ka naman yata bigla sa kwago na 'yon?" "Kwago o gwapo?" pang-iinis pa ni Katrina. Nabato tuloy siya ng unan ni Tamara sa inis nito. "Uy ha. Mapanakit ka. Huwag mong kakalimutang bunti

