NAKAKUNOT ang noo ni Tamara ng ilapag ni Doc. Nathan sa harap niya ang ilang take out na pagkain mula sa Blue Lagoon restaurant. Kababalik lang nito mula sa pagcheck up sa isang out patient nito. Ang akala ni Tamara ay mamaya pa itong after lunch babalik ngunit nagulat siya ng pag-angat niya ng mukha mula sa ginagawa niya sa computer ay nasa harap niya na ito at maydalang pagkain. "You want me to prepare this for you?" tanong niya dito at anyong tatayo na sa kinauupuan. "Nope. I want you to eat them for me," anitong bahagya pang yumuko habang nakatukod ang dalawang kamay sa mesa ni Tamara. Ang sarap din ng pagkakangiti nito na animo gandang-ganda ito sa tanawin sa harap nito. Pwede rin sabihin na parang nang-aakit ang ngiti nito. Hindi natagalan ni Tamara ang pagtitig dito at agad niyan

