MAHIRAP pala ang magpanggap na okay ka lang. Kahit ang totoo sobrang sakit na sa loob mo. Ngunit ang mas mahirap sa lahat ang kinakain ka nang konsensya mo dahil sa pagpapanggap na ginagawa mo. Iyong tepong kahit ginagawa mo na ang lahat kulang parin dahil hindi naman iyon ang totoong nararamdaman mo. Pero ginagawa mo parin dahil kailangan mong panindigan ang nagawa mong mali. Ganito ang nararamdaman ni Tamara. Hindi siya masaya ngunit kailangan niyang ngumiti para pagtakpan ang lungkot, sakit at pamimighating nararamdaman. Ngunit may katapusan ang lahat. Dahil hindi lang pala siya ang nag-iisang nahihirapan sa pagpapanggap na ginagawa niya. Mas nasasaktan niya pala ang mga taong akala niya ay pinoprotektahan niya sa posibleng sakit. Si Nathan na hanggang ngayon hindi parin sila nagkaka

