MADALING araw na ngunit ngayon palang papasok sa suite niya sa ABC Resort si Nathan. Nakipag-inuman pa kasi siya sa mga kaibigan matapos ang kasal. Si Kristel na kasama niyang dumating ay isinama ni Adam pauwi. Sa bahay kasi nila Adam ito naka stay ngayon. Siya? Dito lang muna siya sa ABC Resort. Sa susunod na araw pa naman ang balik niyang magtrabaho sa St. Mary Hospital magre-relax lang muna siya. Pagpasok niya ng kwarto ay ipinatong niya ang coat na suot niya kanina sa kasal sa naroong couch. Tapos ay isa-isa niyang hinubad ang lahat ng mga kasuotan. Maliligo muna siya bago matulog. Masyado kasing mainit ang pakiramdam niya dahil sa alak na nainom kanina sa party. Malapit na siya sa pinto ng banyo ng bigla nalang iyon bumukas at iluwa ang isang napakaganda at hubad na nilalang.

