DAY off ni Tamara. Matapos ang sampung taon. Iyon kasi ang pakiramdam niya. Sampung taon siyang naghintay na pagbigyan ni Nathan na makapag day off. Sa tuwing sasabihin niya kasi dito na mag diday-off siya palagi nalang itong nagkakaroon ng dahilan na hindi daw siya pwede mag day off kasi marami silang trabaho na ganito na ganoon. Kung hindi pa sila nagkadramahan ay hindi siya nito pagbibigyan. "Kailan ba talaga ako pwedeng mag day off?" nakasimangot na tanong niya dito noong nakaraang araw. "Basta kapag hindi na kita kailangan," sagot nito. "Eh madalas hindi mo naman ako kailangan. Tulad kapag bumibisita ka sa orphanage nila Mommy mo. Hindi mo naman talaga ako doon kailangan kasi madalas nakikipaglaro ka lang naman sa mga bata doon," litanya niya. May orphanage na itinayo ang parents

