Dalawang linggo na buhat nang makaluwas sila mag-asawa sa Maynila at habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lang nagiging mahirap ang buhay nila. Mas lalong pumayat si Jorge dahil ang sana’y apat na gamot na magkaiba-iba na iniinom nito, ngayon ay isang gamot na lamang sa isang araw dahil kailangan nilang magtipid. Mas lalong nagiging bugnutin ang asawa niya marahil dala sa sakit nito na diabetes at lumpo pa. Napaupo sa tabing kalsada si Catalina habang napasabunot sa sarili nitong buhok. Sa araw-araw na pag-aaply niya ng trabaho ay hindi siya natatanggap dahil ang mga kasabayan niya lahat ay sa mga kilalang unibersidad nagtapos habang siya ay sa probinsya lang at hindi pa gaano kasikat ang school niya. Mayroon man ibang ma-apply-an kakarampot lang din ang sahod, katumbas lang ng kini

