"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Eulesis and Dale!" Tuwang tuwa naman ang kambal ng kantahan sila namin.
First birthday nila ngayon at bilang isang mapagmahal na ina kahit kapos sa pera binigyan ko parin sila ng bonggang birthday party.
Ilang buwan na rin ang nakalipas at lumalaki na ang nga bata kaya todo kayod naman ako sa trabaho at minsan tumutulong naman ang mga kaibigan ko kapag kailangan ko sila.
"Ang saya ng kambal oh." Sabi ni Blue habang kinukunan ng pictures sina Dale at Eulesis na karga-karga ni Kyla at Eiffel.
Tuwang tuwa silang dalawa habang hawak hawak ang kulay pink at blue na balloons. Hindi na masyadong iyakin si Eulesis kaya hindi na ako nahihirapan sa kanya. Si Dale naman pala tawa kaya kahit may problema na iibsian ito makita ko lang silang dalawa.
"Oo nga, masaya na akong nakikita silang masaya." Nakangiti kong sabi kay Blue.
"Suwerte mo sa mga anak mo Summer. Ang gagandang lahi!" Sabi ni Blue kaya napatawa kami ni Cindy.
"Summer, hindi naman sa nakiki-alam ako pero hindi ka ba natatakot na lumalaki na 'yong kambal tapos wala silang alam mo na..daddy?" Alinlangang tanong ni Cindy.
"Syempre natatakot din pero habang bata pa sila sasanayin ko silang ako lang ang hinahanap nilang dalawa. Na ako lang, sapat na." I smiled sadly. Alam kong dadating ang panahon na magtatanong kung saan ang kanilang daddy at hindi ako handa sa ganun. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanila dahil ayoko silang saktan.
"Paano kapag nagtanong sila?" Tanong naman ni Blue.
"I don't know, Blue." Ngayon pa lang natatakot na ako dahil ang alam ko babalik na si Sander ng Pilipinas. Kailangan ko ng maghanap ng ibang trabaho para na rin makalayo sa kanya.
"Sino ba kasi ang daddy nila. Habang tumatagal kasi nakikita ko si Sander Saavedra kay Eulesis. Ganun mo ba ka crush ang apo ni madam? Hahaha." Napa-iling na lang ako sa sinabi ni Cindy. Kung alam niyo lang. Dugo ni Sander ang nananalantay sa kambal. Si Dale parang photocopy talaga ni Sugar. Tanging lips ko lang siguro ang nakuha niya pero si Eulesis hindi maipagkakaila na anak siya ni Sander.
"Next year aalis na ako sa Saavedra." Nabigla silang dalawa sa sinabi ko.
"Ha? Ayaw mo na bang maging secretary ni Madam? Ang alam ko mas malaki pa nga ang sweldo mo kumpara sa amin." Nakanguso na ngayon si Blue.
"Oo nga. Wag ka na kasing umalis at tsaka saan ka maghahanap ng trabaho niyan? Malaki na ang kambal at mas kailangan mo ng stable na trabaho." Sabi ni Cindy.
Natatakot kasi ako na 'pag hindi pa ako aalis sa Saavedra tiyak na magkikita kami ni Sander doon. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na siya ang magmamana ng company nila.
"Summer, huwag ka nang umalis. Kung kailangan mo pa ng pera nandito naman kami at alalahanin mo rin ang kambal." Sabi ni Blue. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na akong magawa.
Tama naman sila eh. Stable na ang trabaho ko bilang secretary ni Madam. Malaki naman ang sweldo ko at kaya kong tustusin ang pangangailangan ng mga anak ko. Pero... paano kapag nagkita kami ni Sander?
Ihahanda ko na lang ang sarili ko dahil hindi naman habang buhay matatago ko ang sarili ko kay Sander. Ipapakita ko na lang sa kanya na naging okay ako ng iwan niya. Na naging masaya ako sa mga anak ko.
"Hay naku, sabi naman kasi na si Ricky na lang ang i-boyfriend mo." Napa-ubo ako sa sinabi ni Blue.
"Hmm. Pero ang totoo niyan Summer crush ni Blue si Ricky kaya hindi pa nagkaka-boyfriend." Sabi ni Cindy na nakangisi.
"Hindi kaya! Huwag kang maniwala kay Cindy, sinungaling yan." Angil ni Blue.
"Wala? Tapos napakadefensive mo? Natatawang tanong ni Cindy habang hinaharangan ang mahihinang suntok ni Blue sa kanya.
"Tumahimik ka nga!" Singhal ni Blue sa natatawang si Cindy.
"Ano ka ba Blue, pwedeng pwede kayo ni Ricky at isa pa magkaibigan lang kami niyan." Sabi ko habang nakatingin kay Eulesis.
Lakas talaga ng dugo ng Saavedra na yun. Napa-iling na lang ako at tinawag sina Eiffel para makakain na ang kambal.
Matapos ang birthday ng kambal umuwi kami ng condo na sobrang pagod. Ang sakit pa ng likod ko dahil ayaw magpakarga ng dalawa kay nanay Gina kaya kargang karga ko silang dalawa. Hindi naman sila malikot dahil tulog at naka-alalay naman si nanay.
Pagpasok namin ng unit ay natigilan ako sa nakita maging si nanay Gina ay natigilan din. Hindi familiar sa kanya ang mukha kaya tinignan muna niya ako at nang nakumpirma na kilala ko ay nauna itong pumasok dala ang mga regalo ng mga bata at iba pang gamit.
"Kaya pala hindi ka nagparamdam ng ilang taon, Summer?" Matigas ang pagkakasabi niya. Nakatingin siya sa mata ko at alam kong galit na galit siya.
Nanay Gina excused herself at dinala ang ibang gamit sa kuwarto ko.
"Let me explain." Nakatayo parin kaming dalawa.
"Explain na ano? Na nabuntis ka noong college? Na hindi mo man lang sinabi sa akin? Kuya mo ako, Summer! Kung hindi pa pala ako umuwi dito hindi ko malalaman na may pamangkin ako?!" Mahina ang boses pero may diin sa bawat salita. Ganyan magalit si Kuya Thunder.
"I'm sorry, Kuya. Hi-hindi ba sinabi nila mommy sa'yo?" Napahikbi ako dahil alam kong mali ang hindi ipalam kay kuya ang nangyari.
"Bakit ba naglilihim kayong lahat sa akin? Am I not part of the family?" Inirapan niya ako at umupo sa sofa.
"Ang akala ko kasi nalaman mo na kina mom tapos nagalit karin kaya hindi mo na ako tinawagan."
"Wala akong alam. Kapag tinatanong ko sila kung kamusta ka, okay lang ang sinasagot nila sa akin." Sabi niya habang nakatingin kay Dale.
"I'm sorry, Kuya." Maingat kong kinuha ang mga bata sa kanilang stroller at nilagay sa crib. Mahimbing na ang kanilang tulog kaya mamaya ko na lang sila papalitan kapag naka-alis na si Kuya.
"Tss. Naunahan mo pa ako." Napatawa ako sa sinabi niya at umupo sa tabi niya. Alam kong hindi magtatagal ang galit niya. Hindi niya ako matitiis eh, ako pa ba? Love ako ng kuiya.
"Na-miss kita." Malambing kong sabi at inirapan lang niya ako.
"Anak mo ba talaga to? Ni hindi mo nga kamukha oh." Sabi niya habang palipat lipat ang tingin sa kambal.
"Ang sama mo!"
"Tss. Saan si Saavedra?" Natahimik ako sa tanong niya.
"Ang tanong ko kung nasaan ang ama nila?" Nakatingin na si Kuya Thunder sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapaiyak.
"Iniwan ka niya?!" Galit niyang tanong.
Tumango lang ako bilang sagot and swear nakita kong dumilim ang mukha ni Kuya na anytime papatayin na niya si Sander.
"Hahanapin ko siya." Nanlaki agad ang mata ko.
"Huwag, kuya! 'wag na. Masaya naman ako eh at isa pa wala dito si Sander." Ayaw ko nang makita si Sander tapos hahanapin pa niya?
"I don't f*****g care, Summer. Umuwi kana sa bahay." Bahay? Sa Madrid?
"No way." Magagalit lang sina Mommy at Daddy.
"You're going home with the kids." May pinale sa boses niya at alam kong gagawin niya ang lahat masunod lang ang gusto niya.
"No, kuya. May trabaho ako dito at nakakontrata ako." Depensa ko.
"I'll pay it, Summer." Seryoso nga talaga si Kuya.
"No." Napataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"May anak kana napakatigas parin ng ulo mo." Napailing na lang siya dahil hindi niya ako mapipilit at nagtanong na lang kung saan ang kuwarto ng kambal para tulungan akong ilipat sila.
Maingat niyang tinulak isa-isa ang crib papasok sa kuwarto ng mga bata at ako naman ay nagligpit muna ng mga gamit na nasa sala pa.
Nasa kusina ako nang may nagdoorbell. Napatingin ako sa orasan at kumunot ang noo ko ng makitang alas onse na ng gabi. Hindi naman ako kinabahan kasi nandito si kuya pero nagtaka lang ako dahil ngayon lang may nagdoorbell ng ganitong oras.
Dahan-dahan akong pumunta sa pinto para sumilip sa peephole. Wala akong may nakitang tao kaya binuksan ko na lang ang pinto. Pagbukas ko ay nagpalinga-linga pa ako sa hallway pero wala talagang tao. Isasara ko na sana ang pinto nang may nakita akong malaking box sa sahig. Nagdalawang-isip pa ako kung kukunin ko ba narinig ko ang tawag ni kuya kaya naman kinuha ko na lang at nilagay sa kitchen counter, may nakapatong pang card.
Happy birthday.
Iyon lang nag nakasulat sa card at nang buksan ko ang box tumambad sa akin ang mga pambatang laruan. Nilabas ko isa-isa ang laman at meron itong teddy bears, dolls, toy cars at educational toys.
"Kanino kaya to galing?" Ibabalik ko na sana ang mga laruan sa box nang may nalaglag na papel kaya kinuha ko ito at natigilan sa nabasa.
I'm sorry, Summer. I'll see you soon.