IPWMP 17

1144 Words
" Kuya ! " Napa sigaw ako ng makita ko silang nag lalaro ni Eulesis. Pinapalipad niya ito sa ere na parang si Superman kaso ang bilis ni Kuyang umikot. " Chill. " Relax niyang sagot at ginawa ulit kaya napatawa si Eulesis. Napa iling na lang ako at pumunta ng kusina. Naabutan ko si Nanay Gina na nagpapakain kay Dale. " Morning. " Bati ni Nanay Gina. " Morning. " Bati ko rin at agad na pina ulanan ng halik si Dale. " Mukhang magana ang pagkain ni Dale ngayon. " Sabi ni Nanay Gina. Ayaw kasing kumain ni Dale gusto niya gatas lang ang iniinom. " Aba, good girl na ang baby ni Mommy. " Umupo ako sa tabi ni Dale. " Ma.. Mama .. " Napa ngiti ako at marahang pinisil ang mukha ni Dale. " Ang cute-cute mo talagang bata ka ! " Napa tawa naman siya at napa sigaw ng makita si Eulesis na karga-karga ng tito niya. " Yahh ! " Sigaw rin ni Eulesis. Napatawa kaming lahat at nag simula ng mag almusal. " Kailan ka uuwi Kuya ? " Tanong ko habang nag aayos papuntang opisina. " Pinapauwi mo naba ako ? " Tanong niya at binigay kay Eulesis ang laruan nito. " Hindi naman, nagtatanong lang. Tatlong araw kana dito at sinong namamahala ng company ? " Ang alam ko hindi na nangingialam sina Dad sa kompanya ni Kuya. " Uuwi ako kung kailan ko gusto at uso ang email, Summer. " He rolled his eyes kaya napa tawa na lng ako. Same old Thunder. Super miss ko siya kaya palagi ko siyang kinukulit pag tulog ang mga bata. " Ang sama parin ng ugali mo. " Napa tss lang siya at nilaro ang kambal sa crib. Sobrang aliw talaga siya sa kambal. Minsan siya na ang tumutulong kay Nanay Gina habang pinapaliguan ang kambal. Siya na rin ang nag titimpla ng gatas at nag aalaga sa kambal pag nagising ito ng madaling araw. " Late kana sa trabaho. Puro ka tsimis. " Sabi niya kaya sinipa ko siya ng mahina, napa tawa lang siya. -- Pag pasok ko ng opisina lahat ng tao parang may inaabangan. Parang mga bubuyog dahil kung saan saan na lang nag kwekwentuhan. " Ok, what's happening? " Napa tanong ako sa sarili ng makita sila. Ang ibang babae parang sabik na sabik at sobrang laki ng smile. Ang iba naman parang kinakabahan at isa na ako doon sa kanila. Ano ba talaga ang nangyayari ? Ako na secretary ni Madam, walang ka alam alam ! Pagpasok ko ng elevator. Putak ng putak ang dalawang babae. " Sheyyt ! Kinakabahan ako ! " Napa kunot ang noo ko sa sinabi niya. Siya lang kasi ang taong nakita kung kinakabahan na parang kinikilig. " Ano na kaya ang itsura niya ? Kyah ! " At nag high five silang dalawa. Napa iling na lang ako pilit na inaalala kung ano ba ang event ngayon. Nasa opisina na ako ng ipinatawag ako ni Madam. " Summer, dear. Pass the memo in every department and tell everyone to proceed in the main lobby. " Napaka laki ng ngiti ni Madam habang nag uutos sa akin. " Uhm. Ok po. " Dali dali akong lumabas at pinasa ang memo sa lahat ng department. Nang nasa lobby na kaming lahat pumunta si Madam sa mini stage at naka ngiting binati kami. " Ano ba kasi ang nangyayari ? " Tanong ko kina Blue at Cindy na ngayon ay parang kinikiliti. " Huy, Cindy may boyfriend kana ! " Sigaw ni Blue pero napa irap lang si Cindy. Ok, hindi nila ako pinansin. Hindi na ako nakikinig sa pinagsasabi ni Madam dahil nag text ang kuya na kung pwede ba kaming mag outing bukas kaso Tuesday pa lang bukas at may trabaho ako nakakahiya naman kay Madam pag aabsent ako. Ang sagot naman ni Kuya kahit bago siya umuwi makasama man lang niya kami sa isang beach. Ang kulit ! Try ko mamayang mag tanong kay Madam kung ok lang kahit dalawang araw lang. Natigilan ako sa pag te-text ng mahiyawan lahat ng kababaihan at ang dalawa kung kaibigan ay nag tatalon talon habang magkahawak kamay. Napa tingin ako sa stage at napa nga nga sa nakita ko. Bigla akong nanlamig at pinagpawisan. Mahigit dalawang taon ko rin siyang hindi nakita at ibang iba na siya ngayon. Mas lalong tumaas at lumaki ang katawan. Malinis ang pagkakagupit ng buhok. He look so damn hot. Agad akong napa iling at napa kurap. Sht! agad akong nag tago sa likod ni Blue dahil mas matangkad siya sa akin. Nasa gitna pa naman kaming tatlo.  Hindi naman nahalata ni Blue na nag tago ako dahil busy sila ni Cindy sa kakatalon. Sigaw pa sila ng sigaw kagaya ng ibang kasamahan namin. Boss po siya hindi artista ! Nakaka inis ! " The new CEO of Saavedra. My grandson, SANDER EULESIS SAAVEDRA. " Lahat ng tao nag palakpakan maliban sa akin. Hindi ko nga magawang mag salita palakpakan pa ang hinayupak na yun ? Tseh ! Halong halo na ang emosyon ko. Galit dahil sa ginawang pag iwan sa akin, masaya dahil bumalik na siya at takot na baka kunin niya ang kambal sa akin. Hindi ! Magkita na lang kami sa korte dahil ipaglalaban ko ang kambal kahit anong mangyari. Hinay hinay akong umalis sa main lobby at pumunta ng opisina para kunin ang mga gamit ko para umuwi. Di ko kaya! Pag hindi pa ako aalis iiyak lang ako ! Teka ! Dahil si Sander na ang CEO ibig sabihin secretary niya ako ? NO WAY ! Nagkalaglagan pa ang iba kong gamit habang dali dali itong nililigpit. Agad akong tumayo at pumunta ng elevator ng bigla itong bumukas at niluwa nito si Madam na todo ang ngiti at si Sander na naka poker face. Nanlaki ang mata ko at biglang bumigay ang tuhod ko kaya na tumba ako sa harap nina Madam. Ni hindi man lang ako sinalo ng gagong Playboy na to !! " Are you ok ? " Nag alalang tanong ni Madam habang naka luhod at naka tingin sa akin. Si Sander naman ay naka tayo lang na parang walang nangyari. " Ma-masama lang po ang pakiramdam ko. " Tumayo ako pinag pagan ang skirt. Hindi ko magawang tumingin kay Sander dahil di ko alam kung anong gagawin ko at isa pa kasama namin si Madam. " Summer, meet my grandson, Sander. He will be your new boss. " Napa nga nga ako. This is not happening. Oh good Lord. No ! " Ma.. Uhmm. Madam pwede po bang umuwi muna ako ? Sobrang sama ng pakiramdam ko ? " Napa kunot ang noo ni Madam. Hindi ko na siya pinasagot at agad na pinindot ang elevator palayo sa Playboy na yun. He's back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD