IPWMP 5

1459 Words
Ilang buwan naring nanliligaw si Sander at hindi niya ako kinukulit kung kailan ko siya sasagutin. Unti-unti naring nahuhulog ang loob ko sa kanya, araw araw ba naman kaming magkasama. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay ang paglaan niya ng oras sa akin. Kahit na busy ito sa pag-aaral ay nagagawan parin niya ng paraan para magkita kami.  Sabado ngayon at nandito lang ako sa condo, nag-aaral. Finals na namin next week at plano kong umuwi sa amin pagkatapos ng exam o di kaya magbakasyon kasama ang mga kaibigan pero I doubt kung sasama ang kambal dahil palagi namang busy yun at isa pa tong si Eiffel, kulang na lang ibulsa siya ni Jake. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Sander.  "Oh?" Maaga siyang nag text kanina at sinabi niyang maglalaro raw sila ng kanyang mga pinsan ng basketball.  "Saan ka? Lunch tayo?" Hindi ba siya mag-aaral? "Sa condo nag-aaral. Uhm.. after exam na lang tayo magkita kasi ang dami ko pang tinatapos eh." Natahimik ito saglit.  "Puwede ba kitang puntahan? Bigyan kita ng food and aalis rin agad ako." Sounds good.  "Okay." Sagot ko. Never pang nakapunta si Sander dito at kapag hinahatid naman niya ako hindi na siya bumababa ng sasakyan.  "Okay, see you."  Kakatapos ko lang maligo nang dumating si Sander. Parang nahihiya pa siya nang binuksan ko siya ng pinto.  "Lika, pasok." Sabi ko habang nagsusuklay.  "Uhh.. hatid ko lang to, uwi rin naman ako." Napakamot ito ng ulo at nilahad ang malaking paper bag na dala.  "Kumain kana ba? Sabay na tayo, mukhang marami pa naman itong dala mo."  "Okay lang sa'yo?" Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.  "Ba't parang nahihiya ka? Don't worry dahil hindi kita gagawan ng masama." Tumawa ito. Inirapan ko siya at kinuha na ang dala niyang paper bag at nilapag sa mesa.  "Dami naman naman nito." Naglaway agad ako sa nakita. Merong shrimp, lobster, crab, clams, potatoes, corn and sausage. Wow! seafood boil.   "Nakita ko kasing nagcomment ka sa isang page tapos niyaya mo mga kaibigan mong kumain niyan kaya nag order ako para sayo." Nasa pintuan parin siya. Natatawa akong umiling at lumapit sa kanya.  "Tara." Kinuha ko ang kamay niya at dinala siya sa kusina. "Ang sapatos ko." Sabi niya sabay turo sa nike niya. "Diyan mo lang lagay sa gilid ng ref. Wala nga pala akong tsinelas na kakasya sa paa." Napakamot ako sa ulo. Size 7 mga tsinelas ko at sure akong hindi talaga kakasya sa paa niya.  "Okay lang." Sabi nito habang hinuhubad ang sapatos.  Habang nag-aayos ng mesa ay naghugas siya ng kamay. Nilagay ko sa malaking bowl ang binili niya at kumuha narin ako ng kanin. Buti na lang at meron pang juice na natira sa ref kaya nilabas ko rin yun. Kukuha na sana ako ng baso ng pigilan niya ako at siya na ang kumuha.  "Salamat. Kain na tayo." Umupo ito sa tabi ko at pinaghimay ako ng shrimp.  "Mahilig ka sa seafood?" Tanong nito.  "Oo, sobra. Ikaw?" Nakatingin lang ako sa kamay niyang naghihimay dahil gusto ko ng kumain. "Okay lang pero chicken yung favorite ko." Napatingin ako sa kanya.  "Fried chicken?" Agad itong umiling. "Kahit anong luto basta manok. Hindi rin kami masyadong kumakain ng pork kasi ayaw ng mga pinsan ko." Sagot nito at ngayon ay crab naman ang binubuksan niya.  Sumubo ako at napaungol sa sobrang sarap. Kapag bored kasi ako, nanunuod ako ng seafood boil mukbang sa youtube at palagi na akong naghahanap nito.  "Uhhh.. sobrang sarap!" Nakita ko siyang natigilan saglit at namula ang mukha. "Wag mong sabihing allergic ka sa seafood?" Namumula kasi ang mukha niya pati tenga.  "Huh? Hindi naman." Nuutal niyang sagot. "Ba't ka namumula?" Tanong ko at sumubo ulit ng shrimp.  "Wa-wala." Sagot nito at kumain narin.  "Nakapag-aral kana?" Tumango ito at naglagay ng juice sa dalawang baso.  "Salamt." Sabi ko at uminom ng juice.  "Labas tayo pagkatapos ng exam?" Tumango ako dahil puno ng pagkain ang bibig ko.  "Saan mo gusto? Di ka ba uuwi sa inyo?" Napatingin na ako sa kanya.  "Gusto kong mag beach bago umuwi sa Spain." Tumango ito.  "Kasama mo mga kaibigan mo?" Umiling ako.  "Di naman sasama yun. Busy silang lahat." Simpleng sagot ko at kumuha ng potato. Sarap talaga! "Ano... gusto mong mag boracay tayo? Kung gusto mo lang." Nanlaki agad ang mata ko.  "Talaga? Matagal ko ng gustong pumunta dun!" Malaki ang ngiti sa labi ko at natigilan ng punasan niya ang gilid ng labi ko. Matagal siyang nakatitig dun. Kung hindi ko hinawi ang kamay niya ay baka magtagal pa dun.  "Okay, I'll book later." Sabi nito at nagpatuloy sa pagkain. Alam kong may sasabihin siya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.  "Tayong dalawa lang? Hindi pa nga kita sinasagot." Napa ubo ito kaya naman pinainom ko siya ng juice.  "Kailan mo ba balak sagutin ako?" Hindi siya makatingin sa mata ko. Sa ilang buwang panliligaw niya, wala naman akong may narinig na balita na may kinikita siyang ibang bababe kaya naman nagpasya akong sasagutin ko siya ngayon. Kulang na nga lang ibulsa niya rin ako dahil palagi kaming magkasama.  "Hmmm. Ngayon?" Natigilan ito at nanlaki ang mata habang nakatingin sa akin.  "Totoo?" Parang di pa siya makapaniwala. Sa tagal ba namang panililigaw akala niya hindi ko na siya sasagutin.  "Oo nga, aya mo ba?" Agad itong umiling.  "Syempre gusto!" Masiglang sagot nito.  "Okay, girlfriend mo na ako pero itong tandaan mo Saavedra, sa oras na malaman kong niloloko mo ako papatayin kita.Okay?" Natawa ito.  "Yes, maam." Sumaludo ito habang natatawa.  "Babe, pakikuha naman ng shampoo at sabon ko sa cr, please." Kakatapos lang ng aming exam at bukas na ang alis namin papuntang Boracay. Nandito ngayon si Sander sa condo at tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko.  "Oh." Inabot niya sa akin ang sabon at shampoo.  "Tingin mo bagay to?" Sabay pakita ng white two piece sa kanya.  "Mag rash guard ka, babe." Matalim ang tingin nito sa akin habang nakahiga sa kama ko.  "Hello! Boracay kaya ang pupuntahan natin." Marami akong binili kahapon nang mag mall kami nina Eiffel at ng kambal. "Ano ngayon kung Boracay? tsaka mainit dun." Inirapan ko siya at kinuha sa drawer ang tatlo pang swimsuit.  "Kaya nga magsusuot ako nito kasi mainit. Ganda ng color no?" Sinukat sukat ko pa ang kulay red na swimsuit at tuluyan ng sumabog si Sander.  "Talagang red pa? Gusto mong di na tayo tumuloy bukas?" Padabog niyang nilagay sa bag ang iba ko pang gamit na nasa kama.  "Gusto mo ring mawalan ng girlfriend?" Nakataas na ang kilay ko ngayon. Nag diet nga ako para masuot ang mga to tapos pagbabawalan ako? Heh! "Ang akin lang babe, ayaw kong magsuot ka niyan sa Boaracay." Nagbibingi bingihan na lamang ako dahil ayaw kong masira ang araw ko ngayon.  "Summer, nakikinig ka ba?" Nakatayo na siya nagyon sa tabi ko at hinawakan ako sa mukha.  "Whatever!" Tumawa ito. Alam na niyang naiinis na ako sa kanya. Masama na ang tingin ko sa kanya kaya mabilis niya akong hinalikan sa labi at sa magkabilaang pisngi. "Please." Pagsusumamo nito.  "Nope." Napabuntong hininga na ito at bumalik sa kama na nagdadabog. Parang bata! Pagdating namin sa Boracay ay parang mapupunit na ang labi ko sa kakangisi! Been here before pero sobrang tagal na nun. Bata pa kami ni Eiffel nang dalhin kami dito nina Tita at Tito.  "Happy?" Tanong ni Sandre nang nasa loob na kami ng van.  "Super. Thanks, babe." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.  "Walang kiss sa lips?" Tanong nito. Mabuti na lang at dalawa lang kami sa van, walang piling lugar pa naman itong si Sander kapag nanghahaliik.  Hinawakan ko ang pisngi niya at nanggigil na hinalikan siya sa labi. Tawang tawa ito hanggang sa makarating kami sa Crimson. The place is nice at mababait rin ang staff nila. Pagdating namin sa room ay agad kong kinuha ang swimsuit sa suitcase at nagpalit.  "Tada!" Lumabas ako sa bathroom suot ang white two piece at nag pose sa harap ni Sander. Masama ang tingin nito at tinapunan ako ng tuwalya.  "Sama." Tawang tawa ako sa mukha niya at lalong ginalingan ang pag pose para mairita siya ng tuluyan. "Continue that stunt, Summer at uuwi kang buntis." Agad akong natigilan.  "To naman di mabiro." Nakangusong sabi ko at naghanap ng dress.  "Syempre magsusuot muna ako ng dress no tapos huhubarin ko lang kapag maliligo na ako sa dagat." Umupo ako sa tabi niya at binigay sa kanya ang lotion.  "Pakilagay please." Nagpacute pa ako para mabawasan ang pagka irita niya sakin.  "Mga pinanggagawa mo, Summer! Wag kang magalit pag umuwi kang di na virgin ha!" Singhal nito at ako naman ay tinampal ang kanyang bibig habang tawang tawa sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD