IPWMP 6

1313 Words
Present "We're sorry, Miss pero walang hiring ngayon." Sabi ng babae sa HR. Ika pitong company ko na ito at tanging sa Saavedra na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Nang nalaman nila ang pangalan ko, agad na sinasabi nilang walang hiring kesyo punuan na raw, wala pang bakante o di kaya tatawagan ako pero sa totoo lang merong kinalaman si Mama dito. Siya pa ba? Gagawin niya ang lahat para pagsisihan ko ang ginawa ko sa kanila.  Gusto kong humingi ng tulong sa kambal pero sure akong nasabihan narin sila ni Mama kaya naman hindi na ako pumunta doon. Ayaw ko namang masali sa gulo namin ni Mama.   Pag sa Saavedra naman ako mag a-apply merong chance na matatangap ako dahil hindi naman close si Mama sa pamilya ni Sander sa pagkaka-alam ko kasi may iringan noon sila ng Lola ni Sander. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya ipinakilala noon sa kanila. "Doon kana kasi kesa mag trabaho ka sa isang fast food chain." Sabi ni Eiffel matapos niya akong dalhan ng pagkain sa condo. "Ma pride akong tao Eiffel, baka nakalimutan mo." Alam ko na mali kung paiiralin ko tong pride ko kaso hindi ko kasi masikmura na mag trabaho sa kumpanya ng lalaking sumira sa buhay ko. "Makakain ba yang pride mo? Mag bibigay bayan ng gatas at vitamins sa pamangkin ko? Sabihin mo at susuportahan kita sa PRIDE mong 'yan." Sabay irap ni Eiffel sa akin at padabog na inaayos ang mesa. Bwesit talaga ang lalaking yun, sinira na niya ang buhay ko pati ba naman buhay ng anak ko?! Isa pa tong supportive kung pinsan. Noon kamping kampi kay Sander ngayon kulang na lang pumunta ng America para patayin ito.  "Oo na, ikaw na ang tama. Bukas na bukas pupunta ako doon." At kinain ko yung grapes na may chocolate syrup. "Yuck, pwede ba? Ba't yan ang pinaglilihian mo? Pwede naman grapes lang ah wala ng chocolate syrup. Damn it, nasusuka ako." Tumawa ako. Ayaw na ayaw niya talaga sa kinakain ko pero sarap na sarap talaga ako sa combination ng chocolate at grapes. "What if magpakita si Sander doon?" 90% ang chance na makikita ko si Sander dun. "Di wow! Pinagtataguan na nga ako diba?! Nasa ibang bansa ang gagong yun, takot lang niya na makita ko siya at ayaw nun sa responsibilidad at kung mahal niya ako hindi niya kami iiwan. " Nagpupuyos na naman ako sa galit ngayon.  "Bakit ba kasi isinuko ko yung bataan sa kanya? Kung sana hindi lang siya malandi!" Kapag makita ko talaga siya, papatayin ko siya! "Eh pareho kayong malandi eh." Tinapon ko sa kanya ang natirang grapes at pumunta ng sala para manuod ng tv.  Namamawis na ang kamay ko sa kaba dahil ngayon ang interview ko sa Saavedra. Sana naman matanggap na ako, I really need this job para magkapera na ako at mabayaran lahat ng utang ko kay Eiffel. Hindi naman ako makikila ng pamilya ni Sander dahil noong kami pa never talaga akong sumama kapag may occasion sa kanila kaya sure akong hindi ako kilala ng Lolo't Lola niya.  "You're so impressive, Ms. Andana." Ms. Andrea, the head of HR department said. "But sad to say Ms. Andana punuan ang lahat ng department ngayon pero meron pa namang natitira kung yun ay okay lang sa'yo." Kahit janitress pa yan, okay lang basta magkatrabaho lang ako. "Anything's fine for me Ms. Andrea, I really need this job." Mag-iinarte pa ba ako? "You're lucky because Madam Lucia's secretary resigned yesterday and I'll hire you as her secretary if that's okay with you." Sht! Si Madam Lucia? Ang Lola ni Sander? Ngayon pa lang kinakabahan na ako.  "Oo naman po." Hilaw akong ngumiti sa kanya.  Kaya mo to, Summer. Hindi mo naman siguro makikita si Sander dito.  "Okay? You mean okay lang sa'yo na secretary ka muna ni Madam? Temporary lang naman ito, Miss Andana at kapag may bakante na sa ibang department i-lilipat rin naman kita." Sabi ni Ms. Andrea na mukhang nag-aalala. "Oo naman po kesa wala po akong trabaho." Naka ngiting sagot ko sa kanya. "Well, I'll see you tomorrow then?" Tumayo siya kaya naman tumayo rin ako at nakipag kamayan sa kanya. Paano ako makakapag trabaho kung mismong boss ko ang nagpalaki sa lalaking bumuntis at iniwan ako? Kung kahapon pinagpapawisan ako ngayon mahihiyang tumabi ang harina sa mukha ko. Sobrang putla ko nang tignan ko ang sarili ko sa malaking salamanin sa elevator. Grabe, nanginginig din ang mga kamay ko sa kaba. Paano pala pag-alam ng Lola ni Sander ang tungkol sa akin? Patay na. Sa pamilya nila tanging si Sugar lang ang nakakakilala sa akin, yung nakababatang kapatid ni Sander. Sana naman hindi pumuslit yung batang yun dito at baka ano pang masabi niya sa kanyang Lola. Sinamahan naman ako ni Ms. Andrea sa table ko at siya na ang nag turo ng mga kailangan kong gawin. Mabuti na nga lang at late si Madam Lucia kaya nakapag ayos pa ako ng table ko. "So you're my new secretary?" Napatayo ako ng biglang may nag salita sa harap ko. Sht, ito na talaga! "Go-good morning po Madam. I'm Summer Dale Andana po, your new secretary." At nakipag kamayan ako sa kanya. Nahiya pa ako dahil ramdam ko ang pag nginig ng kamay ko.  "Don't be nervous darling hindi naman ako nangangain ng tao." Nakangiti niyang sabi, nahalata niya siguro na kinabahan ako sa kanya. Napaka sophisticated talaga ng Lola ni Sander kahit may edad na. Ka galang-galang talaga ang mukha at matatakot ka talaga sa kanya kasi mukhang strikto pagdating sa trabaho. "Ito po kasi ang una kong trabaho, Madam." Tumango naman siya habang ngumingiti. "Let's talk inside the office, darling para naman makilala kita but pwede mo ba akong pag timplahan ng coffee?" Tanong niya. "Yes po, Madam. How do you like your coffee po?" "I like it black, thanks." Sagot nito at pumasok sa kanyang opisina.  Agad naman akong pumunta sa pantry at agad na nagtimpla ng kape.  "Bago ka?" Nakangiting tanong ng isang chinitang babae. "Uh.. oo." Sagot ko habang nag lalagay ng mainit na tubig. "I'm Cindy by the way, sa finance department ako." Naglahad siya ng kamay kaya aga ko naman tinanggap iyon. "I'm Summer, ako ang bagong secretary ni Madam." Pagpakilala ko. "Nice meeting you, Summer. See you sa lunch?" Tumango ako Naka nakangiti siyang lumabas ng pantry. "Ito na po Madam." Nilapag ko ang kape sa table ni Madam at tumayo ako sa harap ng mesa niya. "Thank you, Summer. Umupo ka muna. " Kaya umupo ako sa silya na nasa harap ng mesa niya. Inilibot ko ang mata ko sa kanyang opisina at natigilan sa isang picture frame. Litrato iyon ni Sander na nakangiti habang niyayakap si Madam. Bigla namang may namuong luha sa mata ko kaya pasimple ko yung pinunasan. "Kaka graduate mo lang pala, Summer at magna cumlaude ka?" Tanong ni Madam. "Yes, po." Medyo garagal ang boses dahil pinipigilan kong wag umiyak sa harap niya.  "Naku hija hindi ka nararapat na maging secretary lang. Ipapalipat kita sa ibang department pag may nakuha na akong bagong secretary." Sabi niya habang nakatanaw sa aking resume. "Ok lang po Madam, kailangan ko po kasi ng trabaho para narin sa babay ko." Sabay himas ng tiyan ko. Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa tiyan ko.  "Oh my! Okay lang ba na mag trabaho ka habang buntis ka? Baka mahirapan ka niyan?" Alalang tanong niya. "Ayos lang po talaga, Madam." Kaysa si Eiffel ang bubuhay sa amin ng baby ko. "Oh sige, hindi naman kita pahihirapan sa trabaho." Napatawa siya ng kaunti. "Check mo na ang ang schedule ko at simulan nating magtrabaho." Napakabait naman pala ni Madam, akala ko masungit. Pag kaya malaman ni Madam na ang apo niya ang ama ng anak ko ganito parin ba ang pakikitungo niya sa akin ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD