"Welcome back, Madam!" mabilis na nagtakbuhan ang mga kasamahan ni Bea sa kanya pagpasok pa lamang niya sa pinto ng opisina. Unang bumungad na sa kaniya si Shawi--ang bakla ng taon. Isa ito sa bulgar na tagahanga ni Mr. Belmonte dahil sa angking kakisigan ng kanilang boss. "Good morning!" pinanlakihan ng mga mata ang mga marites sa bandang kaliwa ng pinto sa narinig na pagbati ni Bea. "Did you hear that, mga ses?" pabulong na sabi ng isa sa mga marites na si Lani. Tumango naman sina Mae at Yani. Noon pa man ay hindi na nila type si Bea. At dahil sa boss nila ito ay wala silang choice kung hindi ay pansinin ito. "Sa true, ses. Narinig ng napakalaking mga tainga ko iyon. At nakita ng mga mata ko. Bait-baitan si Madam." tatango-tango rin naman ang mga ito. Kulang na lang ay mahulog sila sa

