Natapos ni Bea ang pag-audit ng halos ilang linggo rin. At ngayon au balik na sila sa opisina. Hihintayin na laman niya ang pag-advise ng boss nila kung kailan sila pupunta sa isang branch. “Salamat naman at natapos na ang pag-stay mo sa warehouse na iyon. Na-mi-miss na namin ang Bea namin.” pisil ni Gelong sa pisngi ng kaibigan. “Aray naman. Makapisil. Ano ako paninda?” Angil niya rito habang hinahaplos ang pisngi na namula dahil sa pagpisil ni Gelong dito. “Oo nga, Te. Akala ko nagpakasal ka na kay Boss nang hindi man lang kami iniimbitahan.” sumegunda si Ivy sa pang-a-asar sa kaniya. “Alam niyo? Ang OA niyo talaga. At saka kainin niyo na iyang pasalubong ko. Lalamig na iyan.” agad na binuklat ng dalawa ang dalawang kulay kayumangging supot mesa. “Popcorn?” sabay nilang sambit. “Oo

