At nang makarating sila sa dulo ng warehouse ay iyon ang oras na naabutan sila ni Bea. Sabay-sabay na napalingon sina Jed at ang iba pang staff nang biglang sumulpot si Bea. Seryoso lang ang mukha ng ceo habang nakatunghay sa kanya sa bansang likuran niya.
At katulad ng nangyari ay wala itong reaksiyon nang batiin niya ito. Bagkus ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. Tila ba hindi siya nag-e-exist. Dahil katulad nga ng hindi nito pagpansin kay Bea nang bigla siyang sumulpot kanina ay hindi pa rin nito pinansin pati ang pagpapakilala ni Jed sa kaniya at nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
“She’s Ms. Beatrice Almanza—the logistic head in charge of managing the warehouse branches.” pakilala ni Jed matapos magsalita ni Mr. Belmonte.
Hindi na lamang ito pinansin ni Bea at hinanap na lang niya ang mga boxes sa manifest. Inisa-isa niya ang boxes na madaraanan niya. Nang mapansin niya na may sequence ito ay bumase siya roon hanggang sa marating niya ang hinahanap na box.
“Nandiyan ka lang pala e hindi ka nagsasalita.” Sambit niya sa sarili habang nakatingin sa box. Nang mapansin niyang may nakatingin sa kanya ay napakagat siya ng labi. Naroon na pala sa likuran niya ang ceo at ang team ni Jed na nakatunghay sa kanya. Kanina lang ay in-ignore niya ito dahil hindi rin naman siya pinansin ng ceo na ito.
“Ms. Almanza, may hinahanap po ba kayo?” usisa ni Jed nang mapansin ang hawak nitong papel at ang pagsipat niya sa mga box na nasa harap nito.
“Okay na, Jed. Nakita ko na.” sagot niya rito nang humarap siya sa kausap.
Tatalikod na sana siya para humarap sa sana siya sa mga box nang itulak siya ng ceo nila palayo. Lahat ay napalingon sa ginawa ni Mr. Belmonte. Halos masubsob ang mukha niya sa sahig. Mabuti na lamang at naitukod niya ang kamay niya at hindi tumama ang mukha niya.
Umuusok ang ilong niya sa inis dahil sa hindi malamang dahilan kung bakit siya itinulak nito. Kung ayaw siya nitong kausap ay puwede naman siyang paalisin ng mga ito. At kung ayaw siya nitong makita ay madali lang mag-disappear.
“Sir, are you alright?” agad na tanong ni Jed. Tumango lang ang ceo. Pagkatapos ay lumapit naman si Jed kay Bea at tinulungan itong tumayo.
“Okay ka lang, Ms. Bea?” agad na tanong ni Jed. Sasagot pa sana si Bea na hindi siya okay ngunit ayaw na niyang mag-explain pa.
“O-oo, okay lang ako.” kahit na nagasgas ang palad niya ay ayos lang sa kanya. Ang hindi niya matanggap ay ang itinulak siya ng lalaking iyon—ang ceo nila.
“Kahit ceo ka pa e papatulan talaga kita,” angil niya sa sarili ngunit hanggang tingin lang naman ang kaya niyang ipukol dito.
“Let’s go,” aya ng ceo kay Laurice—ang sekretarya niya.
“Tsk. Imbes mag-sorry hindi ako pinansin?” halos umusok ang ilong ni Bea sa inasal ng ceo nila.
“Lilimang letra lang ang salitang ‘sorry’ e hindi pa talaga niya sinabi? Li-limang letra pero parang hirap siyang bigkasin?” angil pa rin niya sa sarili. Kahit inis na inis na siya ay wala pa rin siyang napala.