Ikaw Na Nga Chapter 9

477 Words
Umalis ang ceo na hindi man lang siya kinumusta kung maayos ba ang kalagayan niya. Basta na lamang siyang iniwan doon nang walang pasabi. Kung sabagay ay sino nga ba naman siya? Isa lamang siyang empleyado na puwedeng itulak-tulak lang ng mayayamang boss na katulad ng ceo nila. Halos hindi siya nakapagpokus sa pagtatrabaho dahil sa inis niya sa pangyayari. Hindi na lamang niya ipinagpatuloy ang ginagawa dahil baka may ma-missed pa siya sa manifest ay delikado. “Bye, Ms. Bea.” paalam ng ibang staff sa warehouse. “Stay safe, Ms. Almanza.” kahit Bea lang ang tawag ng mga tauhan ni Jed ay hindi niya magawang tawagin ito sa nickname nito. Isa pa ay hindi man lang niya makita ang ngiti nito sa labi. Tumango lamang ito sa kanya. At umalis. “Vy, may lakad ka ba?” pagsakay pa lang ni Bea ng kotse ay tinawagan niya ang kaibigan niya. “Wala naman. Dadaan lang kami ni Kuys sa bookstore.” napaisip naman si Bea. Himala na sa bookstore ang punta ng mga ito. Kailan pa sila nagkainterest sa mga libro. “Bookstore?” pag-uulit na lamang niya at hindi sinabi ang nasa isip. “Oo nako, na-a-adek kami kababasa ng mga nobela. Iyong mga love story.” sabi ni Ivy. “Oh? Talaga? Hindi ba allergic si Kuys sa love story? Gusto nga niyon ay tragic stories. Iyong may namamatay.” naalala niya kasi one-time noong nanood sila ng movie ay may sariling ending si Gelo. Kung sa pelikula ay happy ending e nakaiisip siya ng tragic ending nito. Kaya naman nagtataka siya kung paanong nagka-interes ang isang iyon sa love story. “Malay mo kunwari lang iyon. Alam mo naman iyon si Kuys.” kung sabagay ay hindi naman ito nagsasabi kung ano na ang status ng love life nito. “Bakit ka nga pala napatawag?” usisa ni Ivy sa kausap. “Ayain ko sana kayong mag-dinner.” kailangan niya kasing mailabas ang saloobin niya kanina kay Mr. CEO. “Ay sige! May nalaman akong kainan. Bagong bukas lang. Ano G?” alam na alam niya na kapag ito ang niyaya niya ay lagi itong may alam na nagong kainan. Hindi na nga niya malaman kung saan nito itinatago ang kinakain nito sa sobrang payat nito. “Sige. Send me the address. See yeah!” nang matapos ang usapan nila ay nagmaneho na si Bea. Agad namang ipinadala ni Ivy ang address kung saan sila kakain. Ini-on niya ang stereo ng kotse habang nagmamaneho para ma-relax siya kahit paano ay maialis ang isip sa antipatiko niyang boss. Hindi niya namalayan na nakanguso na pala siya dahil sa kaiisip sa boss niya. “Tss. Hayaan mo na nga ‘yon, Bea.” wala rin namang magbabago kung iisipin niya nang iisipin iyon kaya itinuon niya na lamang ang sarili sa pagmamaneho niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD