Ikaw Na Nga Chapter 10

258 Words
“Napaka-antipatiko. Imagine-in niyo ‘yon. Itinulak ako? Muntik pang sumubsob ang mukha ko sa sementadong sahig. Pagkatapos hindi man lang nag-sorry. Worst, hindi man lang ako nilingon at umalis na kaagad.” halos pagtinginan sila ng mga tao sa paligid. “At isa pa ha, umalis ng opisina kaagad-agad. So sabihin niyo sa’kin na wala akong karapatang magalit, sige nga?” tulala naman ang dalawa sa kanya na hindi maisubo ang pagkain dahil nakatutok sa pakikinig sa kanya. “Tapos ka na?” sabay na tanong ng dalawa kay Bea. “Nakakainis naman kayo e. Hindi naman kayo nakikinig.” nakangusong sabi nito kina Gelo at Ivy. “Paano ba naman kasi, kanina ka pa salita nang salita. Hindi kami makakain nang maayos sa’yo e.” napahawak na lamang sa batok si Bea. “Sino ba kasi nagsabi sa inyo na huwag isubo ang pagkain? Ewan ko sa inyo.” saad pa ni Bea sabay lagok ng hot tea na lumamig na dahil sa haba ng litanya niya. “Hindi ko ma-imagine kung gaano ka-lukot ang mukha mo kanina. For sure na hindi kakayanin ng plantsa.” napahalakhak si Gelo sa sinabi ni Ivy. Naiiling na lang si Bea. Wala talagang matino sa mga ito. “Kagigil kayo. Sa’kin talaga kayo may comment hindi sa lalaking iyon.” umuusok pa rin ang ilong ni Bea sa inis sa ceo nila habang ang dalawa ay sanay na sa kanya. Ganoon kasi mag-react si Bea. Inuuna ang inis pagkatapos mare-realize na lang niya kung bakit nangyari ang mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD