Hindi ko namalayan kung anong oras na basta nasilaw na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking muka.
Naupo ako mula sa pagkakahiga ko ng biglang bumukas ng pinto ng cr at lumabas mula Ron ang bagong ligong si Caitlin.
"Hey, Anong oras ka bumalik dito sa room natin?" Tanong ko dito
Tila bigla Naman naging mailap ang mata nito.
"Ahm mga 2 am na siguro, nagtambay pa kasi ako tabing dagat kagabi?"
Kumunot naman ang aking noo,
"But.. I'm in there too pero di Kita nakita mga mag 12:30 am na nga ako bumalik dito sa room e."
"Ah nasa kabila kasi ako malapit sa.. sa rock formations.." kunway tumango tango ako dito.
so totoo talagang magkasama sila ni Kuya Kai sa kwarto nito buong gabi.
Naglilihim ka na sakin Caitlin ha? sa isip isip ko.
Papasok na rin Sana ako ng cr para maghilamos ng mapansin ko ang gitara na maayos na nakasabit sa gilid ng pinto. Sa pagkakatanda ko Kasi ay naiwan ko ito sa may buhangin kagabi pagtakas ko kay Dirk.
"Yang gitara ikaw ba naglagay nan Jan?" Tanong ko Kay Cait
"Nope, diba inutusan kita kagabi na ikaw na muna magdala nyan?" balik tanong nito
"Oo nga pala, Ang ulyanin ko." kunway kumamot pa ako aking batok.
Naisip kong baka si Dirk ang kumuha non at nagdala dito sa kwarto namin. Anong oras kaya ito umalis? Di ko na namalayan dahil antok na talaga ako.
"Maligo ka na rin, Mauna na ko sa labas ,tutulong ako sa pagluto ng breakfast natin mga late na rin nagising yung iba e"
Tumango na lang ako sa kanya. Kinuha ko ang towel ko at naghanap ako ng maisusuot ko.
isang maong shorts at black sando ang napili kong isuot.
Pagkatapos ko nga maligo at mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto namin.
Naglakad na ako patungo sa Kubo, Malayo pa lang ay nakita ko na si Dirk na nakatanaw sa akin. Biglang bilis ng t***k ng puso ko, iniwas ko dito ang tingin at muling naglakad ng deretso.
Pagdating ko dun ay naupo ako sa pinakadulo , thinking na that way di na ako mapapagitnaan pag nagsiupuan na ang mga ito. Ramdam ko Ang titig nito sa aking likod.
"Good morning Ai" bati sa akin ni Hans at naupo pa ito sa tabi ko Eto na nga bang sinasabi ko sa isip isip ko.
"Morning" at saka ito nginitian rin.
"Late na nagising ang lahat" anito nakaayos Naman na ang mesa maging ang mga pagkain ay andon na rin. "Nag order nalang kami ng foods dun sa isang restaurant" wari ay nahulaan nito ang kanyang nasa isipan
"Ahh..kaya pala.." tumatango tangong sabi ko naman dito.
"Aiwa, pwede bang kunin mo yung gitara ni Kai? hihiramin ko kasi" halos mahulog ang puso ko ng biglang lumitaw sa kabilang gilid ko si Dirk.
Tiningala ko ito at nakitang blangko ang expression ng Mukha nito.
"Ahh sige, wait lang Hans ha?" paalam ko naman sa binata na nakangiting tumango sa akin.
Lumabas ako sa Kubo at naglakad pabalik sa cottage namin ni Cait. Kinuha ko sa bulsa ko ang susi at binuksan ang pinto
"Tss. dapat pala sya na Lang ang pinakuha ko dito pinahirapan pa kong bumalik hays". bulong ko sa sarili ko.
Kukunin ko na sana ang nakasabit na gitara ng biglang bumukas at sumara ulit ng pinto ng cottage namin Paglingon ko ay nakita ko si Dirk
"What are you doing-"
hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng salubungin ako nito ng halik. Sinakop nito ang aking mga labi. Bakit ba Hindi ako masanay sanay at parang lagi akong natutulala tuwing hahalikan ako nito.
"God, I missed you already" anito matapos ang halik
"Bakit ka ba sumunod dito, mamaya may makakita sa atin" tinulak ko ito ng bahagya
"I just missed you.." parang batang sabi nito. "And I hate how that Alcantara look at you."
"Alam mo bang pakiramdam ko? that I'm cheating."
"You're not cheating coz he's not your boyfriend already, and I won't let that happen"
"Tara na lumabas na tayo" kinuha ko na ang gitara kinuha naman nito iyon sa akin at ito na ang nagdala.
Lumabas na nga kami at magkasabay na naglakad, parang walang nangyare na bumalik sa kubo.
Nagkanya kanya na sila ng upo pero Ang pwesto na nila ay kagaya kahapon kaya Ang ending nasa gitna pa rin ako ni Dirk at Haniel.
"Hey Tristan try this it's so yummy" si Tanya nagbalik na sa pagiging madaldal.
Nilagyan naman ako ni Haniel sa plato ko ng beef broccoli
"Thanks" halos pabulong na sabi ko dito while smiling.
Nang bigla ay mapasinghap ako dahil may humawak sa legs ko. Wala sa loob na nilingon ko si Dirk na patuloy lamang naman sa pagkain gamit ang kaliwang kamay nito.
Tinanggal ko naman ang kamay nitong nakapatong sa hita ko gamit ang kaliwang kamay ko and to my surprise he entertwined our hands. Nakita ko pa ang bahagya nitong pag ngiti. So that's his purpose ha? para mahawakan ang kamay ko.
Pinipilit ko tanggalin ngunit mahigpit ang hawak nito.
Hinayaan nalang nya ito ang tigas ng ulo.
Napuno muli ng kwentuhan at tawanan sa breakfast nila na kung tutuusin ay brunch na pinag samang breakfast at lunch dahil almost 10am na.
Nagkayayaan pang mag volleyball ang mga ito mamayang hapon.
"Bru try natin yung banana boat riding?" Tanong sakin ni Cait.
"Um sige , di ko pa na try yun e."
"Ikaw Tanya gusto mo bang sumama samin?" Tanong ni Cait dito
"Ahm nope, ang boring non e" maarteng sabi naman nito
"Ok"
Nilagyan ako ni Hans ng isang cup ng vanilla ice cream sa side ng plate ko. Wow. He really knows my favorite.
"Huy thanks ha, pano mo nalamang ito Ang favorite flavor ko?" Tanong ko dito
"I have my ways Princess " at kinindatan pa ako nito.
"Kowww ang tam-es! nakakaingget!" pang asar naman ni Kelvin sa amin.
"Binata na talaga ang drummer boy natin" dagdag naman ni Pius.
Nagtawanan naman ang mga ito.
"Wag lang sasaktan ni Alcantara si Ai dahil babasagin ko talaga muka nyan" pabirong sabi naman ni Kuya Kai dito
"Yan naman ang di ko gagawin Dude." seryosong sabi ni Hans dito.
"Well that's good to know." at nag fist bump pa ang mga ito, si Cait ay tumingin pa sakin at halatang kilig na kilig pero bakit Ganon. bakit parang biglang wala akong maramdaman.
Unlike noon na pag may sasabihin ito about sa Kanila ay kinikilig sya. He's a good man at matagal ko na syang crush. Nakakapagtaka lang.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Dirk sa kamay ko , di ko namalayan na napatitig na pala ako Kay Hans.
"Shet pare natutulala na sa'yo si Aiwa tangina" si Rhayvid
"Your mouth Rhay!" Sita ni Kuya sa pagmumura nito.
"Don't stare at him like that or I'll kiss you here, right now." mahinang sabi ni Dirk sa tabi ko ngunit may diin ang bawat salita.
Di ko naman alam na napatitig na pala ako Kay Hans kanina e. Ano ba naman napaka seloso.
Di ko naman sya boyfriend kung maka react sya.
tatanggalin na ko na sana ang kamay kong hawak pa rin nito sa ilalim ng mesa pero ayaw nito iyong bitawan.
Napabuntong hininga na Lang ako.
After ng aming brunch ay nagpahinga muna kami malapit sa tabing dagat, ako'y nakaupo lang kasama si Cait at Hans
Hanggang sa magkayayaan na ngang mag volleyball ang mga ito. 3 vs 3 lang
Kai, Pius and Haniel ang magkasama Rhayvid Kelvin and Dirk naman ang kalaban ng mga ito.
Habang kaming tatlong babae ang Audience ng mga ito.
Nakakalibang sila panoorin walang gustong magpatalo. Di ko alam magaling pala sa beach volleyball ang mga ito.
Break time daw muna tabla palang ang score ng mga ito e. best of 3 daw pero 1-1 ang standing may pa water break pa muna ang mga ito.
Nakita kong inabutan ng pamunas na towel ni Tanya si Dirk, nag iwas ako ng tingin sa mga ito, naglakad nalang ako palapit Kay Hans at inabot dito ang pamunas ng pawis nito.
"Mapapa Sana all ka na Lang talaga e no mga pre?" sabi ni Kelvin na nginuso pa sina Kuya Kai at Cait.
"Pre punasan mo nga likod ko tutal single Naman Tayong tatlo" si Pius naman na inabot pa Kay Rhayvid ang hawak na towel.
Nagkatawanan naman kaming lahat.