Narinig kong nagriring ang phone ko kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad muna palayo sa mga ito bago sinagot ang tawag ni Mom
"Hi Mom" masiglang bati ko dito sa
"Hi Ai? Kamusta naman kayo dyan?"
"We're okay naman po, bakit Mom miss mo na ba kami? 2 days palang kaming wala dyan ah.." napapangiti pa ako habang binibiro si Mommy
"Ang lungkot pala ng bahay pag wala kayo.."
"Don't worry Mom bukas ng gabi andyan na rin naman kami."
"Kumakain kaba dyan ha bunso? Si Dirk ba Hindi ka naman na ba nya inaaway?" Puno ng pag aalala ang tinig nito.
"Mom you don't have to worry. K-Kuya Dirk and I we're both fine."
"Sabihin mo agad sa akin pag inaway ka na nya ulit ha?"
"Yes Mom," tumango pa ako na tila ba e makikita nito iyon "Wag mo kaming masyado alalahanin dito, See you tomorrow Mom. Bye."
"Bye bunso I love you"
"I love you more Mom" Nakangiti kong binaba ang tawag
Halos mapatalon naman ako ng pagharap ko ay Seryosong muka ni Dirk ang nakita ko. Wala na rin itong damit pang itaas kaya kitang kita ang ganda ng katawan nito with that 6 pack abs.
Napahawak pa ako sa dibdib ko. Bakit kaya hobby nito ang gulatin ako.
"T-tapos na kayo?"
Hindi ito umimik. 'Problema nito? sa isip isip ko
Naglakad lang ito at nilampasan ako. Problema non? Attitude na naman. Tss bahala ka sa buhay mo.
Bumalik ako sa pinaglaruan ng mga ito dahil andon pa rin ang mga ito
"Sinong nanalo bru?"
"sila Dirk, naku Sayang bru di mo nakita parang laban lang sa pagitan ni Hans at Dirk yung kanina" litanya ni Cait. "Parehas ayaw magpatalo kala kala mo e may grand prize" dugsong pa nito
Napansin ko namang nakatitig sa akin si Haniel, kinawayan ko ito , lumabas pa ang dimples nito pag ngiti rin sakin.
Lumapit ito samin ni Cait, pawisan din ito pati buhok ay nabasa na ng pawis.
"Basang basa ng pawis yang damit magpalit ka na muna dapat." sabi ko dito.
"Mamaya na Lang siguro maliligo din naman Tayo sa dagat" anito at hinubad ang t-shirt na suot.
"Woah!" di napagilang bulalas ni Cait ng tumambad sa harap namin ang mga pandesal nito este abs pala. "Grabe Hans ang sexy mo pala" dagdag pa ni Cait ako naman ay napaiwas ng tingin dito.
"Hindi naman, dala lang yan sa work out" sagot naman nito
"Kelan ka pa natutong tumingin ng sexy'ng lalaki Cait?" si Kuya Kai na lumapit na pala samin.
Paktay ka ngayong Caitlin ka! hahaha
"Bakit e macho si Hans edi sexy yun" inirapan pa nito sa Kuya nag umpisa na naman nga pong magtalo ang dalawa.
"Let's go for a walk?" yakag sakin ni Hans at sumunod naman ako dito.
Naglakad kami sa gilid ng dalampasigan nakayapak lamang ako. Ninanamnam ng paa ko Ang tubig dagat na nadaraanan namin
Sa pinaka mababaw na may tubig dagat kami naglalakad. Malayo layo na ang nilakad namin.
"Ai, I think He likes you too."
Napamaang ako dito, "Come again?" di ko kasi maintindihan anong sinabi nito.
"I think he likes you too, Dirk likes you." tila siguradong sigurado ito sa sinabi sa akin.
"What do you mean?"
"I can see it by how he looks at you, cause That's how I also look at you." tila frustrated na sabi nito. Parang bigla akong na guilty.
Bumuntong hininga ito.
Dahil totoo naman, inamin naman talaga ni Dirk sa akin na gusto nya ako, hanggang ngayon nga di pa rin ako makapaniwala e, kasi parang kelan lang Galit na Galit ito sa akin.
Hinawakan ni Hans ang kamay ko.
"Pwede bang hawakan ko muna ang kamay mo?" I'm dead guilty now. Tumango ako dito at nagpatuloy kami sa paglakad habang hawak nito ang aking kamay.
"Wala ka bang sasabihin?" untag nito sa akin
"I actually really don't know how to react tungkol sa sinabi mo." pag amin ko dito.
Hinalikan nito ang likod ng kamay ko
"Don't worry, I won't give up on you." Parang gustong malusaw ng puso ko. He's such a gentleman. I smiled at him.
"Thank you, Hans"
Kung si Hans mas magiging madali at magaan lang ang lahat. Bakit ko ba naiisip na mamimili.
"Let's go, balik na Tayo masyado na pala tayong napalayo." hawak pa rin nito ang kamay ko
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano habang naglalakad pabalik. Tawang tawa ako sa mga jokes nito kaya naroong nahahampas ko ito at kinukurot.
Malapit na kami at naramdaman ko ang pagpisil ni Hans sa kamay ko. Nakita ko ang madilim na muka ni Dirk sa di kalayuan , nakatingin ito samin, or more particularly sa mga kamay namin. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng sobrang kaba.
Nakakatakot yung titig nya pero ng tumingin ito sa muka ko ay blangko na ang ekspresyon ng muka nito.
"San ba kayo galing? Meryenda na kayo. Kanina pa namin kayo inaantay e" si Cait. "Naks naman may pa hhww pa pala kayo" at dahil don ay awtomatiko kong nahila ko ang kamay ko na hawak pa ni Hans.
"Inlababo talaga Ang drummer boy natin." si Pius
"Minsan lang yan magkaganyan hayaan nyo na" si Rhayvid naman.
Naglakad ako papasok sa Kubo at kumuha ng isang basong juice, ganun din ang ginawa ni Hans. Inabutan pa ako nito ng chicken sandwich.
"Thanks." pucha ang awkward kumilos, parang pakiramdam ko nasusuka ako sa kaba.
Nakita kong pumunta sa dagat Sina Dirk at Tanya mukang mag swimming na ang mga ito.
tama yan, ganyan na lang ang Gawin mo Dirk mag focus ka Kay Tanya. Hindi ko alam pero hanggang ngayon Kasi may takot pa rin ako sa kanya lalo pag masama sya makatingin.
Sumunod naman ang iba pa.
"Tara Ai?" yakag naman sakin ni Hans.
"Ah mamaya na Lang siguro ako Hans medyo napagod ako sa paglakad natin e, gusto ko muna magpahinga." sabi ko dito. Pero ang totoo gusto ko muna umiwas Kay Dirk.
Naguguluhan ako when he's around.
"Ok sige, magpahinga kana muna sa room mo. hatid na kita?"
"Wag na ano ka ba! kaya ko na , maligo ka na Lang at mag enjoy ka, wag mo akong intindihin."
kumaway pa ako dito.
Naglakad na ako papunta sa cottage namin ni Cait.
"Ouch!" daing ko ng tingnan ko ang paa kong walang sapin ay may dugong umagos don. "s**t" bulong ko. May basag na seashell pala akong naapakan. Paika ika akong naglakad papunta sa kwarto namin.
Hinugasan ko muna ang sugat ko sa cr. medyo malalim yata Kasi dugo ng dugo, Pawisan ako habang nasa loob ng banyo. tinapat kong muli ang paa ko sa gripo. Makirot ito. Tinitingnan ko Ang sugat sa paa ko kung gano ito kalalim ng biglang may magsalita
"What happen?" kumabog na naman ang puso ko narinig ko pa lang ang boses nya.
Nilingon ko ito Anong ginagawa nya dito kala ko ba kanina Galit sya. Bipolar ba to.
"f**k bakit namumutla ka?" lumapit ito sakin at ito na ang naghugas ng sugat ko.
"N-nakaapak ako ng basag na seashell"
"Bakit kasi di nagsuot ng tsinelas e"
"Kasi nalulubog lang naman sa buhangin kaya di na ako nagsuot." katwiran ko.
Inalalayan ako nitong tumayo at pinaupo ako sa gilid ng kama ko. Kinuha nito ang first aid kit sa cabinet sa cr.
Nilagyan nito ng betadine ang sugat ko tsaka nilagyan nito ng gasa.
"Maliit lang naman ang sugat mo pero namutla ka."
"Takot Kasi ako sa dugo." Tumingin ito sakin tapos ay bumuntong hininga.
Tumayo ito pagkatapos gamutin ang sugat ko.
Basa pa ito malamang ay dito ito dumerecho pag ahon galing sa dagat.
"Magpalit ka na baka ubuhin ka" sabi ko dito.
Ilang buntong hininga na ba ang pinakawalan nito.
"Do you really like that Alcantara?" bagkos ay tanong nito sakin.
I was caught off guard. Hindi ko alam anong isasagot ko. Bahala na.
"I.. I like him.."
Nakita kong ngumisi ito
"Well my goal now is not for you to like me back, like is very far different from love. I'll make you fall for me too instead." then he swiftly kiss me on my lips then leave.
What did he just say? He'll make me fall for him too? So does that mean that he's falling for me?
Yung kabog ng dibdib ko halos trumiple.
What are you doing to me Dirk?