Nakaramdam ako ng ginaw pag ahon ko sa dagat. Huling gabi na namin dito at bukas ng hapon ay uuwe na kami. Back to reality again.
Naupo ako sa may buhangin , ang iba ay nag eenjoy pa sa paglangoy.
Di ko gaano maenjoy ang paglangoy dahil kumikirot ang sugat sa paa ko kaya naman umahon ako kaagad. Chineck ko pa ang aking paa at tama nga ako natanggal yung band aid na nilagay ko kanina.
It's already past 6 pm at halos madilim na ang buong paligid.
Umihip ang hangin at halos mangatog ako sa ginaw.
Maya Maya lang ang may naramdaman akong nagpatong ng towel na kulay blue sa akin.
"It's cold" anito at naupo malapit sa akin, amoy na amoy ko ang pabango nito na tila kumapit sa towel nito.
"S-Salamat"
Marahan naman nitong inangat ang paa ko, pinagpagan at pinunasan muna nito iyon Saka nilagyan ng band aid na ngayon ko lang napansin na hawak pala nya kanina.
Pakiramdam ko namumula ako.
"Salamat ulit" then I smiled at him
"A kiss will do" seryosong sabi nito
"Baliw" tanging nasabi ko dito.
Nagsiahunan na rin ang iba nilang mga kasama, nakita ko pang tiningnan kami ni Haniel bago ito ngumiti sakin.
"Tara bru sabay na Tayo magbanlaw." si Cait. "Huy kayo ayusin nyo na yung pagkain natin ha para maka kain na Tayo ng dinner"
"Yes boss" si Kelvin "Ano ba naman yung girlfriend mo Kai masyadong bossy!" kunway reklamo nito Kay Kai
"Hoy! fyi! di nya ako girlfriend. Sinong Marites naman ang nagsabi sa'yo nya?"
"Ahh hindi pa ba? So pwede pa akong manligaw?" pabirong saad din ni Rhayvid na inaasar si Kuya Kai.
"Gusto mo? Sumabog yang muka mo?" at nagtawanan pa ang mga ito.
"Shet Torpedo 101 yang kuya mo Ai." si Pius na humalakhak pa.
"Wag nyo kong pagtripang tatlo ha?"
"Lika na nga Ai, wag ka na makinig sa mga yan mga siraulo na yata yan e"
Tumayo na ako sa kinauupuan ko pero naramdaman ko na Naman yung kirot sa paa ko kaya parang na out of balance ako, muntik na akong mapaluhod sa buhangin buti at mabilis akong nasalo ni Dirk,nagkatitigan pa kami. Ang lapit ng muka namin sa isa't isa.
"Are you okay? masakit pa ba yung sugat mo?" Tanong nya sakin.
"Sugat? bakit nagkasugat ka Ai?" Lumapit na din samin si Kuya Kai.
"Okay na Kuya, nakaapak lang Kasi ako kanina ng basag na seashell, kumirot lang ngayong pagtayo ko pero ok na.."
"Thanks" sabi ko Kay Dirk at bumitiw na din Naman ito sa pagkaka alalay sakin kanina.
"Tara na bru alalayan kita."
Naglakad na nga kami ni Cait pabalik sa silid namin para makaligo na ng ayos.
"Hey guys I have an idea, since last night naman na natin here, why don't we play?" maarteng sabi ni Tanya sa Amin.
Kakatapos lang namin kumain ng dinner at nagpapahinga nalang kami , kanya kanyang pwesto may nasa labas ng Kubo at nagpapahangin , may nakaupo sa buhangin malapit sa bonfire na ginawa nila.
Ako ay nakaupo lang dito sa loob ng kubo kasama si Cait dahil may ipinapaluto ito sa kij bukas ng umaga for breakfast daw namin, tagal na daw nya di natitikman ang adobo ko.
"Anong play naman?" Tanong ni Cait dito
"Truth or Dare" anito
"Ang common ah?" natatawang sabi ni Pius
"Why? Nakaka enjoy kaya laruin yon?" ismid Naman ni Tanya dito " wag ka sumali kung ayaw mo"
"Sungit mo Naman hahaha"
So ang ending nasunod ang gusto nito na maglaro kami ng Truth or Dare game. Pumabilog kami sa bonfire.
"So ako Ang unang mag iikot nitong bottle, kung kanino nakatutok sya ang tatanungin ko, then ganun din gagawin nya sya magpapaikot ng bottle kung kanino nakaturo yun ang tatanungin nya" mahabang Paliwanag nito tatango tango naman kaming lahat.
"I'll start na ha?" anito pinaikot nito ang bote at tumapat kay Pius. napairap naman si Tanya.
"Truth or Dare?" Tanong nito
"Uhm.. Truth!" anito
"Nakapag try ka ba mag drugs?"
"What? No! " halos maghagalpakan naman kami sa tawa ng Makita namin ang reaksyon ng muka ni Pius. "Anong klaseng Tanong ba yan. Amina nga yan ako naman mag iikot diba?"
Pinaikot nito iyon at tumapat kay Kai.
Ngumisi pa ang Loko nagkatinginan pa parehas ang dalawa
"Truth or Dare?" nakangisi pa ito
"Dare!" mabilis na sagot naman ni Kuya dito.
"Kiss mo si Cait, smack lang!" di na nakapagpigil at nagtawanan lalo Ang mga ito ng makitang pinandidilatan ni Cait ng mata si Kuya.
Nagkibit balikat pa ito "Wala ko magagawa yun yung Dare sakin e." Pigil pigil ko ang aking pag ngiti.
Lumapit si Kuya Kai kay Cait at mabilis itong dinampian ng halik sa labi. Naghiyawan pa ang mga loko, si Cait naman ay namumula. Si Kuya Kai ang first kiss nya.
pinaikot naman ni Kuya Kai ang bote at tumapat ito Kay Hans. Ngumisi pa si Kuya.
"Truth or Dare?"
"Truth" sagot naman nito kaagad. Kinurot Naman ako ni Cait sa tagiliran ko kilig na Naman Ang bruha.
"Kailan ka pa nagkagusto kay Aiwa?"
"I started to like her 5 years ago." Derechong sagot nito na ngumiti pa.
"Shet bro tagal mo na palang iniirog tong si Ai" singit ni Kelvin
Pinaikot naman ni Kai ang bote at tumapat ito Kay Dirk. Hindi ko alam pero bigla akong parang pinagpawisan.
"Truth or Dare?"
"Truth" mabilis na sagot ni Dirk.
"You.." tila nag dalawang isip pa ito kung itatanong ba o hindi pero itinuloy na rin nito iyon.
"You like Aiwa too right?" halos mabingi ako sa tanong ni Hans dito. So he wants to confirm it, na Kay Dirk mismo manggaling.
Natahimik ang lahat. Tumingin muna sa akin si Dirk dahil magkapatapat kami.
"Yes. I like her and I'm not denying it." napasinghap sina Cait at Tanya sa sagot nito.
Di nakaligtas sa paningin ko ang nagtatanong na mata ni Kuya Kai ng tingnan nito si Dirk
Ako naman ay halos lumubog na sa kinauupuan ko. Muli kong naramdaman ang kurot ni Cait sakin.
Tumango tango naman si Hans sa sagot ni Dirk.
Si Dirk naman ang nagpaikot ng bote at kung pinaglalaruan ka nga naman ng pagkakataon sa akin pa talaga tumapat.
"Truth or Dare?"
Hindi ko alam anong pipiliin ko pag truth baka Anong itanong nito sakin Jusmiyo. Pag Dare naman diko din sure anong ipagawa nito sakin.
"D-Dare" sabi ko, napaka cross fingers pa ako Sana ay di ako nito pahirapan.
Tumayo ito lumapit sa kinauupuan ko, halos lahat ay nakatingin din dito at kung ano ang gagawin nito.
"Give me your hand" utos nito sakin, nag aalangan man ay inabot ko dito ang kaliwang kamay ko. May nilagay itong bracelet sa wrist ko
"Wag mo yang tatanggalin" at bumalik na ito sa pwesto nito katabi ni Tanya na tumahimik bigla.
Halos mag 11 na rin ng gabi ng mag desisyon na silang pumasok sa Kani kanilang silid.
Nag goodnight na kami sa isa't isa. Napansin ko ang pananahimik ni Haniel kanina, bukas ko na lang sya kakausapin.
Nang makapasok na kami ni Cait sa silid namin ay bigla ako nitong hinila paupo tila kinikilig
"Bruha ka anong ibig sabihin non?"
"ng alin? maang na tanong ko dito
"Bruha ka kakalbuhin kita wag ka mag maang maangan. Bakit sinabi ni Dirk na gusto ka nya?"
"Hindi ko din alam, yun ang totoo."
"My gosh kaya pala sya ganun makatingin Kay Haniel pag nilalapitan ka nya."
"Di ko alam kung pinagtitripan ba nya ako or what."
"No bru. Kanina pa lang nung naglalakad kayo ni Dirk as in grabe yung tingin nya sa inyo-" naputol ang sasabihin pa sana nito ng mag ring ang cp nito. "wait lang bru ha sagutin ko lang 'to"
Lumabas pa ito ng kwarto namin. Sino kayang tumawag?
Nahiga na ako sa aking kama at nakatingin sa kisame.
Hays ano kayang iisipin ni kuya Kai, lalo sila Mom at Dad pag nalaman yung sinabi ni Dirk.
pabiling biling ako sa kama dahil di ako makahanap ng magandang pwesto para antukin na 'ko.
Bumukas muli ang pinto mukang tapos na makipag usap sa Cait sa phone nya .
"Bru lock mo nalang yung pinto natin ha." narinig ko Naman tunog ng pag lock ng pinto, Nakapikit pa na ako.
"Bru Anong oras ko pala lulutuin yung-" Nahinto ako sa pagsasalita ng maamoy ko ang pamilyar na pabango, awtomatiko akong napadilat.
And there sa paanan ng kama ko, Dirk is standing.