Chapter 4

993 Words
Pagkatapos mag-rounds ni Glenn ng araw na iyon ay nagpasya siyang magpahangin sa garden ng ospital. At nakita niya roon na nakikipagkulitan at tawanan si Lynette sa mga kapwa nito pasyente. Hindi namalayan nito na nangi-ngiti na pala siya habang pinagmamasdan ang dalaga. At hindi rin nito namalayan na nasa tabi na pala niya ang tatlong kaibigan. "Ang ganda niya, no?" tanong ni Brea habang nakatingin din kay Lynette. Ganoon din si Gwen. "In love ka na sa kaniya, ano?" "Oo nga, eh," wala sa loob na sagot ni Glenn. Impit na tumili naman ang tatlong doktora. "Inamin mo rin! In love ka na kay Lynette!" bulalas naman ni Tammy. Kunot ang noong napatingin si Glenn sa mga kaibigan. "Ano'ng nangyayari sa inyo? At ano ang pinagsasabi ninyo?" Nagtatakang tanong nito. "Wala ng bawian. Inamin mo na in love ka na kay amgirl." Kinikilig-kilig pa rin na tugon ni Gwen. "What?! Kaylan ko sinabi 'yon?" "Kasasabi mo lang, no! You said, oo nga, eh," pag-uulit ni Brea sa sinabi ng binata. "I didn't say that. I thought sinabi ninyo na ang ganda ng ngiti niya. Kaya nasabi ko na, oo nga. Because I agreed. But I did not say that I'm already in love with her," paliwanag ni Glenn sa mga kaibigan. "Fine. But you agreed that Lynette is beautiful. 'Wag mo ng itanggi." Sabay irap ni Gwen. "Ano ba ang ginagawa ninyo rito? Wala ba kayong rounds? Bakit hindi ang mga pasyente ninyo ang asikasuhin niyo?" Salubong ang kilay na turan ni Glenn sa mga ito. "Excuse me? Katatapos lang naming mag-rounds, ano. Pwede naman din siguro kaming lumanghap ng sariwang hangin 'di ba? Katulad mo," sarcastic na sabi ni Brea. "Lumalanghap ng sariwang hangin, o sumisilay kay Lynette?" "Shut up, Tammy. Nagpapahangin lang ako. Tantanan nga ninyo akong tatlo. Sinabi ko na sa inyo na hindi ako maiinlove sa babaeng 'yan. Dahil mas dyosa pa ako sa kaniya," "Try to convince us more, Glenn. We can see based on the way you look at her that there's something changing," seryoso na this time si Gwen. "I agree. We know you very well, Glenn. Kahit kaylan hindi ka nakipagrelasyon sa kapwa mo lalaki. Kaya naniniwala kami na posible ka pa rin na maging straight," komento ni Tammy. "I don't know, kung ano 'yang mga pinagsasabi ninyo," umiiwas naman na tugon ni Glenn sa mga kaibigan. "Sa halos ilang buwan na nandito siya sa ospital, we saw how genuine and pure she is, Glenn. And she is strong and a fighter too. She deserves to be happy. Malay mo kapag binuksan mo ang sarili mo sa kaniya. Matulungan mo rin siyang gumaling," litanyan ni Brea. "May sakit siya sa puso. Too much love and emotion can trigger her attacks," "Glenn, you are a doctor. Alam mo na love and being happy can help her heal, too," giit ni Brea. "I agree. Why don't you give it a try?" "Gwen is right. Give it a try, Glenn. Admit it, na gusto mo na rin si Lynette." Pagkasabi no'n ay nag-umpisa ng humakbang paalis doon si Tammy. Kasunod sina Gwen at Brea. "Teka, baliktad yata. Ako dapat ang nag-walk out at hindi sila. Ang tatlong 'yon talaga." Naiiling na lang na turan ni Glenn. Muli itong tumingin kung nasaan si Lynette kasama ang iba pang kapwa nito pasyente. Sakto namang napalingon din ang dalaga kung nasaan si Glenn. Kaya naman nagtama ang mga mata ng dalawa. Agad na nag-iwas ng tingin si Glenn. "Makabalik na nga sa loob." Nagmamadaling pumasok ito sa loob ng ospital bago pa siya malapitan ng dalaga. Hindi man aminin ni Glenn pero alam nito sa sarili na may nagbago. Na may kakaiba na siyang nararamdaman. Pero hindi lang nito maamin sa sarili. Habang si Lynette naman ay bukambibig ang paghanga o pagkakagusto sa doktor niya. At proud pa niya itong ipinapangalandakan sa lahat. "Ang gwapo talaga ng Doc Pogi ko. Nakita ninyo noong isang araw? Nakatingin siya sa akin 'di ba?" Kinikilig-kilig na sabi ni Lynette sa mga kapwa niya pasyente sa ospital. Kasalukuyan silang nasa lobby at naghihintay sa mga nurse na magdadala sa kanila sa laboratory para sa kanilang mga test. "Sigurado ka ba na sa 'yo siya nakatingin? Eh, 'di ba nga sinusungitan ka no'n?" tanong ng kapwa pasyente sa ospital ni Lynette sa kaniya. "Hmm... In fairness, nitong mga nakaraan hindi na siya masyadong nagsusungit sa akin. Baka tuluyan na siyang nahulog sa alindog ko," "Naku! 'Wag kang masyadong umasa," kontra ng isa pang pasyente na kasama ng dalaga. "Oo nga. Balita namin sadyang maawain lang iyang si Doc Glenn. Lalo na sa mga pasyente niya na malala ang lagay." Natigilan si Lynette sa nasabi ng kasama. Pero nang makabawi ay ngumiti ang dalaga. "Siguro naman hindi lang awa ang mararamdaman niya sa akin. Pagkatapos ng mga nagawa ko para lang mapansin niya, ano," turan ni Lynette sa mga kausap. "Sana nga. Tsaka maganda ka naman at mayaman din. Bagay na bagay nga kayo ni Doc Glenn, eh. Kung hindi lang kapwa niya pogi ang type." Napasimangot si Lynette sa sinabi nito. "Wala naman akong nabalitaan na may naging boyfriend siya, no! Kaya, I believe na para talaga siya sa akin," confident na saad ni Lynette. "That's the spirit, girl! Ipagpatuloy mo lang 'yan. Fighting!" cheer ni Gwen kay Lynette. "Kunin ko na itong pasyente ko. Excuse us." Itinulak nito ang wheelchair ng pasyente papasok sa laboratory. "Thanks, Doc Gwen!" pahabol na sigaw ni Lynette. Nang tumingin ulit sa kinaroroonan ni Glenn ang dalaga, ngumiti ito sa kaniya. Kaya naman nahigit ni Lynette ang paghinga. "Oh my! He smiled at me!" Napahawak sa dibdib niya ang dalaga. Kaya naman nagmamadaling linapitan ito ni Glenn. "Hey! Are you okay? Naninikip ba ang dibdib mo?" Nag-aalalang tanong nito. "No. I'm okay. Nginitian mo kasi ako, eh. Kaya bumilis ang t***k ng puso ko," tugon ni Lynette sa binata. Kaya naman napatampal na lang sa noo niya si Glenn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD