Mula nang araw na iyon ay nabawasan na ang pagsusungit ni Glenn kay Lynette. Kaya naman tuwang-tuwa at kilig na kilig ang dalaga.
"Oh, 'di ba? Tama ako? Mahuhulog at mahuhulog din si Doc Pogi sa alindog,"
"Lynette, naging mabait lang siya sa 'yo. Hindi ibig sabihin no'n ay in love na siya sa 'yo. Kaya 'wag kang masyadong umasa. Makakasama 'yan sa puso mo," paalala ng kaibigan ni Lynette na si Samantha.
Kasalukuyan itong kausap ni Lynette sa video call.
At napasimangot si Lynette sa sinabi ng kaibigan. "Grabe ka naman! Suportahan mo na lang ako, okay? Kontrabida mode ka na naman, eh."
"Ayoko lang na umasa ka. Tapos nagkamali ka lang pala. And then masasaktan ka at makakasama sa kalusugan mo,"
"Alam mo, Sam, sa totoo lang, this past few weeks, hindi ako nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Ang gaan ng pakiramdam ko. At dahil 'yon sa kaniya. Hindi niya na kasi ako itinataboy at sinusungitan. Unlike before. Kaya feeling ko makakapagpa-opera na ako," mahabang litanya ni Lynette.
"That's good to hear. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka masyadong aasa, ha. Alam mo naman ang kalagayan ng puso mo. You can't afford heartbreak. It can trigger your attacks," paalala ni Samatha sa kaibigan na halatang in love.
"Thanks for the concern, Sam. Don't worry I will take care of my heart. Alam ko naman na hindi ako pwedeng mawala sa mundo, ano. Because of them. Kaylangan kong maging malakas at labanan 'tong sakit ko." Napangiti ng malungkot si Lynette.
"I know you miss them. But don't worry. We are taking good care of them,"
"Thanks, Sam. I owe you a lot." Nginitian ni Lynette ang kaibigan na sinuklian naman nito.
"'Wag mong isipin 'yon. Mahal kita, kaya mahal ko rin sila. Ang isipin mo ay ang pagpapagaling mo riyan, okay?" bilin ni Samantha sa kaibigan.
"Alright. Thanks again, Sam. I need to hang up na. Kiss them for me. Bye!" Nagpaalam na si Lynette sa kaibigan saka tinapos ang video call.
Sakto namang pagbukas ng pinto at pumasok sa kwarto ni Lynette si Glenn.
"Time for you medicine," anito. "Nagbababad ka na naman ba sa cellphone?" Salubong ang kilay na tanong nito sa dalaga.
"Of course not! Nag-usap lang kami ng kaibigan ko," maagap na wika ni Lynette.
"Kaibigan?" Tinaasan ito ng kilay ni Glenn.
"Don't worry. Hindi lalaki ang kausap ko. Babae ang kaibigan ko. Kaya 'wag kang magseselos, okay?"
"Tinanong ko ba? At bakit naman ako magseselos?" masungit na turan ni Glenn sa dalaga. "Here, take your medicines." Iniabot nito ang ilang pirasong tableta sa dalaga.
"Salamat." Tinanggap ito ni Lynette pati na ang isang baso ng tubig. "Teka lang. Bakit ikaw ang nagpapainum sa akin ng gamot? Hindi ba dapat ay iyong mga nurse?" Pang-uusisa pa ng dalaga. Pero deep inside ay kinikilig ito.
"Hindi naman ako busy. Kaya ako na lang ang nag-rounds para sa gamot ng ilang pasyente. 'Wag kang assuming. I know what you are thingking." Tugon ni Glenn sa dalaga habang chini-check ang IV ng dalaga.
"Wala naman akong sinabi, eh. Nagtatanong lang naman ako." Nakangusong reklamo ni Lynette.
"'Wag ka ngang mag-pout. Hindi bagay sa 'yo," paninita pa ng binata.
"Hindi bagay? O, baka naman naaakit ka sa pag-pout ko?" tudyo naman ni Lynette sa binata, na ikinasimangot nito.
"Ang assuming mo talaga, ano? Papalagyan ko nga pala ng air humidifier itong kwarto mo. Para mas okay ang hangin. Pinapalitan ko rin ang mga kurtina para mas presko sa mata. I also--" Natigil sa pagsasalita si Glenn nang makita nito na titig na titig sa kaniya si Lynette. "Ano'ng problema mo? Baka mahanginan ka riyan."
"Sinasabi ko na nga ba... Gusto mo na rin ako sa wakas," wala sa sariling sambit ng dalaga.
"Sino ang may sabi sa 'yo?" Kunot ang noo na tanong ni Glenn.
Hindi inaasahan ng binata ang pagbangon na gagawin ni Lynette. Kaya naman hindi ito nakaiwas ng ilapit ng dalaga ang mukha sa kaniya.
"Aminin mo na. 'Wag ka ng mahiya. Tayong dalawa lang naman ang nandito, eh." Sabay kindat nito sa binatang doktor na pulang-pula na ang mukha.
"H-hindi, ah. Assuming ka lang talaga. L-lumayo ka nga sa akin," nauutal na utos nito sa dalaga. Pero bago pa mailayo ni Glenn ang mukha niya ay mabilis na ikinawit ni Lynette ang mga kamay sa leeg ng binata at saka ito kinabig palapit sa kaniya at hinalikan sa labi.
"Umhp--"
Nanlaki ang mga mata ni Glenn sa gulat sa ginawa ng dalaga. Pero later on napapikit ito at dinama ang halik ni Lynette. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon ng sarili.
Nasa ganoon silang tagpo nang bumukas ang pinto.
"Oh my!"
"Ops! Sorry!"
"Wrong timing pala tayo,"
Agad na napalayo sa isa't-isa sina Lynette at Glenn.
"Hey! It's not what you think guys," paliwanag ni Glenn sa mga kaibigan.
"It's okay, Glenn. We understand," sabi ng ngiting-ngiti na si Brea.
"Oo nga. Pasensya na kayo kung naistorbo namin ang moment ninyo. Hindi kasi namin alam na nandito ka, eh," alanganin ang ngiting nag-peace sign pa si Gwen.
Pinaningkitan ng mata ni Glenn ang mga kaibigan.
"I don't believe you, guys. Kanina pa kayo nandyan sa labas, ano?"
"'Wag ka ngang mambintang d'yan, Glenn. Dadalawin lang namin talaga si Lynette, ano." Lumapit sa dalaga si Tammy. "Kamusta ang pakiramdam mo, Lynette?" Tanong nito sa dalaga.
Hindi naman naitago ni Lynette ang kilig. "Ito... Kinikilig! Ang lambot ng labi ni Doc Pogi!"
Nanlaki ang mga mata at lalong namula ang mukha ni Glenn sa narinig.
"H-hey! Stop it. Baka makasama sa kalagayan mo 'yan," saway nito sa dalaga.
"E! Concern much? In love ka na talaga kay Lynette, ano?" panunukso ni Gwen.
"Stop it, okay? Nasa ospital tayo. Be professional nga," saway ulit nito sa mga kaibigan.
"Aah!"
Sabay-sabay silang napalingon kay Lynette nang dumaing ito.
"Hey! If you are pranking me, hindi 'yan maganda,"
"Lynette, are you okay? Glenn, mukhang hindi siya nagbibiro."
"Tammy is right," segunda naman ni Brea.
Agad na pinahiga ni Glenn ang dalaga na nakahawak sa naninikip na dibdib.
"Relax, okay? Inhale... Exhale..." Chineck nito ang pulse at heartbeat ng dalaga. "Sige lang ipagpatuloy mo lang iyan." Instruct ni Glenn sa dalaga hanggang kumalma ang heart at pulse rate nito.
"Here, drink this." Inabutan ito ng baso ng tubig ni Tammy.
Inalalayan ni Glenn na makaupo ng bahagya ang dalaga para makainum ng tubig. Saka ito maingat na pinahiga ulit.
"Thank you. I'm okay now." Nginitian ni Lynette ang mga ito.
"I told you guys. Makakasama sa kaniya ang too much emotion. Magsibalik na nga kayo sa mga clinic ninyo. At ikaw naman magpahinga ka, okay? And just call me, kung may nararamdaman kang hindi maganda." Pagkasabi no'n ay umalis na ng silid ng dalawa si Glenn.
Napangiti na lang sa isa't-isa ang mga naiwang kaibigan ng doktor at si Lynette.