Nikki's POV "Selenaaa?" tawag ko sa pangalan niya. Kanina ko pa iniikot ang gubat na 'to. Masiyado 'tong malaki para magtagpo kami, pero umaasa akong makikita ko siya. Ilang lakad pa ang ginawa ko ng may matanaw akong mga tao. Agad na nanlaki ang mata ko ng makita na may hawak silang baril habang nakatutok sa babaeng nakahiga sa damuhan. "SELENA!" sigaw ko habang papalapit sakanila. Dahilan para mapalingon silang tatlo. "N-nikki..." Gumapang siya papalapit sakin. Habang nakangiti sila Marianne. Nagulat ako ng apakan ni Brianna ang binti niya dahilan para sumigaw siya. "A-AHHH!" "Selena!" lumapit ako sakaniya at inalalayan siyang tumayo. "Wow naman, humahabol ka ata Nikki?" nakangiting tanong ni Marianne. Nakita kong may tama siya ng baril amsa hita at binti niya,nahirapan siyang

