3 years ago... Muli kong tinanggal ang mga dahon at lupa na nakatakip sa lapida niya. 'Watson Jones' Ilang linggo rin akong hindi naka dalaw dito. Napangiti ako. "Three years na ang nakakalipas, mula ng mawala ka, sayang hindi man lang kita nakasama ng matagal..." sabi ko. "Mahal na mahal ka ni Mommy, anak." sabi ko. Sabi ni Sasha, dito daw nila inilibing 'yung baby ko. Pinagawan na namin siya ng maayos na libingan at lapida. After kong magmuni-muni, nagpaalam na ko sakaniya. May pupuntahan pa kasi ako, baka malate ako sa kasal. Agad akong umuwi sa bahay at nagpalit na. Actually 4pm pa ang kasal at 12 nn palang naman. Hindi rin ako pwedeng malate dahil made of honor ako.Buti pa sila, nahanap na nila 'yung the one nila. Ako kaya? Kailan ako ikakasal? Saming magkakaibigan, ako ang

