WEIRD as it seems, pero nararamdaman ko ulit iyong emosyong maging tunay na masaya na naglaho nitong nagdaang taon. Hindi man kagaya noon, napapansin ko na mas gumagaan ang pakikitungo namin ni Yago sa isa’t isa. He will look at me not the same way he looked at me the first time we saw each other after one and a half year. Kontento na muna ako roon. Masyado naman akong tuso kung gugustuhin ko pa ang higit sa mga maliliit na interaksyon naming dalawa. May pagkakataon na iniiwasan ko iya dahil bigla kong naaalala na…may fiancée siya. Naglaho ang aking ngiti sa huling naisip. He has a fiancée! Tama ba itong iniisip ko na maaaring magkaroon kami ng pagkakataon muli ni Yago? I should erase that thought. Hindi maganda. Mahal ko man si Yago pero hindi ako mang-aagaw. “Beach!” sigaw ni Ate at

