KABANATA 22

2576 Words

NAPANSIN ko agad ang discomfort kay Mommy. Halatang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito. Huminga nang malalim si Mom at pinaupo ako sa couch. Napaupo ako kasama siya roon at doon kami nag-usap. “I’m not going into details, Ace.” Hinaplos niya ang buhok ko at iniayos iyon. “May mga pangyayari sa nakaraan na sumira sa buhay namin ng Dad mo na humantong sa kailangang bitawan ni Silas ang apelyidong Benavidez at magpalit sa Montecalvo. Kahit naresolba na ang mga problema, naisip ng dad mo na baka mas maging payapa ang buhay natin kung mananatiling Montecalvo ang ating apelyido.” Lumandas ang matinding kalungkutan sa mukha ni Mommy. Ngayon ko lang nakita na ganito siya kalungkot habang nagkukwento sa akin. “Kaming dalawa ng dad mo, maraming nawalang mahahalagang tao sa buhay namin. And

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD