MAGKAHALONG lamig at talim ang mga mata ni Dad habang nakatitig sa akin. Napayuko ako dahil alam ko na galit siya sa ginawa kong pagtakas. “Aiselle!” Agad na lumapit sa akin si Mommy. Kita ko rin ang pagtatampo sa kanyang mga mata dahil sa pagtakas ko ngunit mas nangingibabaw ang kanyang pag-aalala sa akin. Niyakap ako ni Mommy at ang haplos niya sa likod ko ay siyang nagpakalma sa nag-aalburuto kong nararamdaman. “Why did you do that? Why did you run away, huh? Alam mo ba ang pag-aalala ko sa ‘yo nang malaman ko?!” Bahagyang tumaas ang boses ni Mommy dala ng kanyang nararamdamang pag-aalala. “I’m sorry, Mommy.” My mom is not a soft person. May pagkamatapang din at kung anong iniisip ay sasabihin niya. Kapag galit siya, makikita mo agad iyon sa kanya at ipaparamdaman niya sa ‘yo. Mas

