HINDI pa rin ako makapaniwala. I am too stun to even speak. Paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Tito Silas. Mabilis na naglakad si Dad kay Tito at hinawakan ito sa kwelyo nito. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata na tila ba hindi niya matanggap ang sinabi ni Tito. “Anong sinasabi mong namatay ang anak mo, Silas? You told me she was saved! Sinabi mo mismo sa mukha ko na ligtas ang anak mo, and all those f*****g years, patay siya?!” sigaw ni Dad. The veins on his neck are showing. Doon mo masasabi na galit na galit siya. “She died, dead on arrival, Hati.” Nabitawan ni Dad si Tito Silas, tila nanghina sa narinig. Napaupo ito sa isang silya sa waiting room at inihilamos ang kamay sa mukha. “Hindi siya ang binalak kong barilin—” “Your target was moving that time. You know, Hati,

