NAKARATING ako ng Pilipinas. Ang sumundo sa akin ay si Silver. Nang makita ko siya, halatang hindi niya gusto ang pag-uwi ko. Si Silver ang tanging na-contact ko dahil hindi ko matawagan si Yago. Siguro ay abala siya sa paghahanap kay Diego ngayon. “Bakit ka umuwi, Ate. Hindi ka dapat bumalik dito—” “You’re not expecting me to just hide behind everyone’s back, Silver! I want to fight, okay? Ako ang nagsimula at nagdala ng gulong ito sa mga pamilya natin, hayaan mong tumulong ako! Hindi ako nakatulong noon dahil buntis ako kay Kairos, ngayong kaya ko na, hayaan mong ako mismo ang pumatay kay Diego!” Umiling si Silver but didn’t say anything. Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay napapangunahan ako ng emosyon ko. Hindi kami close o ano man ni Diego. I barely knew him! But that

