KASAMA sina Dad, Tito Zavian, Kaide, at Yago ay pumunta kami kung nasaan ang aking ina. Iyon pala ang kanilang inaasikaso nitong nakaraan, ang hanapin ang tunay kong ina. “How are you feeling, anak? Narinig ko lahat ng nangyari.” Dad is carrying Kaide. Ayaw niyang bitawan ang anak namin ni Yago. Sabi niya ay matagal na raw niyang gusto mabuhat ang apo. “Maayos naman ako, Dad. Hindi naman ako pinabayaan ni Yago kaya mabilis ang naging recovery ko.” Hindi nga lang matanggal sa akin ang kaba dahil makikilala ko na ang ina. Hindi pa namin napag-uusapan nina Dad ang pagpapalit ko ng pangalan o apelyido. Hindi pa rin ako nakakapagdesisyon doon pero alam ko na kailangan ko rin talagang mag-isip kung anong gagawin ko sa buhay ko. Wala na kaming problema sa mga nagtatangka sa buhay ko, mukhang s

