NAKAILANG LUNOK ANG ginawa ni Evie para mapigilan ang emosyon, mabilis ang t***k ng puso niya kaya malalalim ang hugot ng hininga niya para makalma ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay niya. "Hindi -- hindi mo pwedeng basta kunin ang bata sa amin. Kailangan mong sumama sa presinto para patunayang ikaw ang nanay niya." pagmamatapang pa ni Evie na pinipigilan kumawala ang mga emosyon dahil sa pagkabigla sa mga nangyayari. "Ako nga ang mama ng batang toh at -- si Silver. Siya ang ama!" pagturo pa nito kay Silver na parang natutuod. Nagkatinginan naman sina Evie at Silver. Humahalam na naman ang mga luha niya habang pagsusumamo naman ang kay Silver. Humarap si Silver kay Tin na tila tinatatagan ang sarili. "Kung totoo ang sinasabi mo, bakit ayaw mong ipa-DNA ang bata?" hinawakan pa nit

